Nakita kong natatawa siyang napailing. "You're blushing.."

Bumangon ako at binato siya ng unan. "And you kissed me! How dare you!?"

"Buti nga 'yun lang ang ginawa ko sayo eh. Ikaw kaya ang lumagay sa posisyon ko, tignan lang natin kung di ka mahirapan."

Aba't nangatwiran pa! Ba't naman siya mahihirapan aber?! Nahiga na lang ulit ako pero nakatalikod ako sa kanya sa sobrang inis. "Sabihin mo, anong mangyayari kapag walang nangyari sa'tin ngayong gabi?"

"Hindi tayo makakalabas hangga't walang nangyayari."

Bigla akong napaharap sa kanya. "Seryoso?!" Marahan naman siyang tumango bilang tugon.

"Pa'no na?"

"Ewan.."

"Hindi ba pwedeng magkunwari na lang na may nangyari?"

"Hindi tanga ang mga bampira, Krishna. Nakakaamoy kami ng birhen at hindi."

"Eh di hintayin na lang natin si Raven."

"Pa'no kung matagalan? Hindi mo ba napapansin? Palamig na ng palamig dito sa kwarto. Unti-unti nang magyeyelo dito."

Hindi na 'ko nakaimik pa. Totoo ang sinabi niya. It's getting colder here. Tapos naka-dress pa 'ko. Tapos wala pang kumot. Gahd. Planado talaga. "P-Pwede ba nating hintayin si Raven? Kahit sandali lang?"

"It's up to you. Kahit pa'no kaya kong tiisin ang lamig dahil nag-iinit ang pakiramdam ko dahil sa alak."

"Ano!? Nag-iinit ka?" bulalas ko. Parang siya naman 'yung nag-blush this time. Shit ba't ang cute?

"Nang dahil nga sa alak di ba?" nabahiran ng inis ang boses niya. "May gamot 'yung alak. Mag-iinit ka kapag ininom mo 'yun."

Napalunok ako sa sinabi niya. Shems. Kaya ba ayaw niyang uminom ako ng alak kanina? Kaya ba nasabi niyang mahirap ang lagay niya? Holy fuck. Ibig bang sabihin kanina pa siya nagpipigil?

We're now both staring on the ceiling. Wala nang nagtangka pang umimik pa. Pareho kaming nagpapakiramdaman. Parehong tinitimbang ang sitwasyon. Parehong naghihintay..

And I could feel it. Habang tumatagal lalong lumalamig. I rubbed my hands and breathe on my palm. Noong una effective pa. But as time goes by the warm of my breath doesn't help anymore.

I'm starting to shiver.

"Kaya mo pa?" rinig kong tanong niya. I nodded to respond. Dapat kong kayanin. I should wait for Raven because that's the right thing to do.

Pero habang tumatagal ay para na akong nawawala sa sarili. I'm shivering to death. My lips are dry. Mas malamig pa sa bangkay ang mga kamay ko. Nanlalabo na ang paningin ko nang maramdaman kong naupo si Sven.

"You should take this," sabi niya habang ipinapatong sa balikat ko ang coat niya.

"T-Thanks.." My voice was barely audible. Kung nasa matinong estado pa siguro ang utak ko baka kinilig na 'ko sa ginawa niya. Nakatulong ang ipinahiram niyang coat ngunit sa maikling sandali lang. Ganun pa rin. Makalipas lang ang ilang minuto naninigas na naman ako sa lamig.

I decided to close my eyes. If this is my end, wala eh. Ganun talaga.

Then suddenly I felt warm all over me. The heat is really comfortable. Pagmulat ko, nakakulong pala ako sa bisig ni Sven.

"I'm sorry. But it's much better now, right? Ang alam ko kasi nakakatulong daw ang body heat," aniya. Sumagot ako na okay lang at isiniksik ko pa ang sarili ko sa kanya. He's right. Nakakatulog pala talaga ang body heat. Pero tulad nung kaninang pagpapahiram niya sa'kin ng coat, alam kong sandali lang din ang ginhawang nararamdaman ko ngayon. Makakatulong kaya kung magdadaldalan kami?

"Uhh..Sven?"

"Oh?"

"Ba't mo pala naitanong kanina kung mahal ko na ba si Raven?"

"Wala naman.. Masama magtanong?"

"Hmp sungit.." Akala ko pa naman mabait na siya sa'kin. Lels. "Eh ikaw? Paano pag nalaman 'to ni Jiah?"

"Edi nalaman. Para namang may magagawa siya sa nangyari. Kung tayo nga walang magawa di ba?"

Tss.. Sungit talaga. Pero ba't ganun 'yun? Kung makapagsalita siya parang di niya girlfriend si Jiah ah. "Matagal na ba kayo nung Jiah?"

"Hindi naman kami.."

'EH!?' muntik ko nang maibulalas buti na lang at wala na 'kong masyadong boses. "I thought you guys have..something."

I heard him sigh. "Well, magkababata kasi kami. Kami na noon pa ang laging magkasama. Laging magkaramay. So people assumed na kami na ang magkakatuluyan. Apparently, naging ganun na rin ang tingin namin. Na baka nga kaming dalawa talaga ang magkakatuluyan."

Medyo hindi ko inasahan ang mga narinig ko. I mean, hindi ko naman kasi in-expect na magkukwento siya sa'kin. So ibig bang sabihin...

"Si Jiah.. Mahal mo ba siya?"

I've waited for him to speak but I didn't get any respond. Stupid mouth. I should've not ask that.

Dahil hindi na kami nag-uusap ay naramdaman ko na naman ang labis na ginaw. Gustuhin ko mang mas isiksik ang sarili ko sa mga bisig niya pero inatake na 'ko ng hiya. Pero ilang sandali pa at siya na itong mas humigpit ang yakap sa'kin. Kung naramdaman niya bang sobra na 'kong nilalamig ay wala na 'kong ideya. Basta ang alam ko lang rinig na rinig ko na ang pintig ng puso niya ngayon. Mabilis. Malakas. Parang..katulad ng sa'kin.

"H-Hindi ko na yata kaya..." nasambit ko kasabay ng pagtatangka kong mag-angat ng tingin. Hindi ko naman inaasahang nakatingin din pala siya sa'kin.

He cupped my cheeks as I close my eyes. I tried. Really. I'm sorry, Raven.

Midnight FairytaleWhere stories live. Discover now