Sinalubong ko si Kenneth sa gitna ng hallway atsaka tinanggap ang bouquet na dala n'ya.

"HBD." aniya.

"TY." ganti ko sa maikli n'yang pagbati.

Niyakap n'ya ako saka mabilis na hinalikan sa kanan kong pisngi kaya naman nagtilian ang mga kaklase kong nakakita sa ginawa n'ya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat kaya naman napahampas ako sa kanyang dibdib.

"'Hindi sa akin galing 'to." bulong n'ya sabay turo sa mga bulaklak.

Napatingin ako sa likuran n'ya at nakita si Sir Raymond na nakatayo malapit sa classroom ng first period n'ya. Ngumiti ako sa kanya at pabulong na nagthank you kahit alam kong hindi naman n'ya maririnig.

"Pero 'yung kiss sa akin."

"Gago ka talaga."

Kumalas ako sa pagkakayakap n'ya nang makita ang susunod naming teacher.

Si Ms. Pamintuan.

Kasabay n'yang naglalakad si Karissa na halatang nagulat din nang makita n'yang magkayakap kami ng kanyang kapatid.

"Thank you ulit. See you later. Alis na..." wika ko bago pumihit papasok ng classroom namin.

"Ingat ka pagpasok, baby. Labyu!" sigaw ni Kenneth habang unti unting lumalayo.

Hinintay n'ya pa akong makapasok sa loob ng classroom bago s'ya tuluyang umalis.

During lunch time, nilibre ko parin sila kahit sinabi nilang okay lang kahit 'wag na dahil magdidinner naman kami bukas. Kasabay naming kumain si Kenneth at ang kaklase n'yang si Carlos na may gusto kay Mary Loise.

"Gusto mo ba ng boyfriend na Criminology? Irereto kita kay Bryan." wika ni Kenneth.

Ngumiwi si Kai sa kanya at tila nandiri pa nang malamang si Bryan ang irereto sa kanya.

"Ayoko 'dun may putok." aniya patungkol sa body odor ni Bryan.

"Eh kasi Criminology s'ya. S'yempre may putok s'ya. Ratatatatat! Bang bang bang!" wika ni Krystell na kunwaring may hawak s'yang baril.

"Hindi nakakatawa." wika ni Kai.

Nagtawanan naman kami maliban sa kanya. Kanina kasi sabi n'ya gusto n'ya ng boyfriend kaya naman may mga nirereto sa kanya sila Kenneth at Carlos pero wala naman s'yang nagugustuhan. Masyado kasing mataas ang standards ng isang 'to.

Nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa at nakatanggap ng mensahe mula kay Sir Raymond.

Mond:

Let's have dinner tonight. I'll fetch you.

Nagreply ako ng okay since wala naman akong kasama mamaya sa bahay dahil gagabihin ng uwi sina Mama at Papa.

Dumaan ang last period namin at hindi na ako mapakali. Gustong gusto ko nang umuwi. Habang nagtuturo si Ms Janice, iniisip ko na kung anong susuotin ko, kung anong shade ng lipstick ang gagamitin ko at kung pipilitin ko ba s'yang ako ang magbayad since birthday ko naman.

Yung feeling na inaabangan ko ang bawat salita ng prof at hinihintay kung kailan s'ya matatapos dahil naiinip na ako. Feeling ko hindi na ako makakapaghintay.

"Taeng tae ka na ano? Uy, aminin!" bulong ni Krystell habang nagtatake down kami ng notes.

"Hehe. Hindi ah."

Nakahawak kasi ako sa tiyan ko at hindi rin ako matali sa kinauupuan ko. Ganito ako kapag excited. Hindi naman ako natatae pero parang may mga naglalaro sa loob ng tiyan ko. Ito siguro yung tinutukoy nilang butterflies.

Seven LightyearsWhere stories live. Discover now