Well, tama rin dapat idol talaga itawag nya kay Jeric. Kasi si Jeric ang nagbuo sakin pagkatapos ko syang antayin ng 9 years. Muntik pa magdekada ha! Matindi.

"Pupuntahan ko mamaya sa practice. May bibilhin lang ako."

Tapos yung muka nya nag-iba. Parang he was expecting a different answer... O baka naman nag-aassume na naman ako kaya dinebate ko ulit ang sarili ko.

"Kumain ka na ba? Meryenda muna tayo. Kwentuhan." He offered. Aba, magandang impluwensya si Madel, natuto na rin tong taong to ng salitang "offer".

"Next time nalang Tats. Baka ma-late ako sa practice ni Jeric e." Napatingin ako sa wrist watch ko na kahit medyo alam kong maaga pa naman, iiwas na ko. Hindi dahil may feelings pa ko kay Tatsi... Umiiwas ako kasi ayoko na may link pa yung noon sa ngayon. Although hindi maiiwasan dahil sa side ni Jeric at Madel pero at least yun nalang, wag na yung sakin.

"Ganun ba? Kelangan ko sana kasi ng kausap. Parang dati lang... Lui, wala na kasi kami ni Madel e." tapos napayuko nalang sya.

Ano raw ulit yun? Wala na sila ni Madel? Agad-agad? I mean, matagal na sila kasi matagal na rin yung incident na nakita ko sila sa UST nun... Pero agad-agad break pagkatapos nila kaming nakita?

Medyo kinabahan din ako kaya di ako nakagalaw. Nagbreak ba sila dahil nagkita si Jeric at si Madel tapos di pa sya maka-move on? Tapos dumugtong na sa current issue na di pa nagrereply si Jeric sakin the whole day. When paranoia strikes.

"Uy Lui. Natameme ka na dyan?"

"Ay sorry. Nakikiramay ako sa puso mo brad. Sige, 15 minutes kape." Ganito kami noong college. Bilang sya naman yung laging may lovelife, sya rin yung may mga impromptu meet up requests kesyo nakipag split o nakipagcool off o nakipagbreak sya sa girlfriend.

At bilang kahit nasaktan ako noon, kaibigan ko pa rin naman si Tatsi. We won't be seeing each other accidentally kung walang rason... At baka ito nga yun. Ang tumulong sa isang kaibigan.

We went to Starbucks. Medyo may mga mangilan ngilan kasing nakakakilala sa kanya kaya may mga nagpapapicture kaya humanap kami ng lugar na di sya masyadong mapapansin... Sa sulok ng Starbucks.

"E ano ba kasing nangyari?" I asked agad nung nakaupo na kami at nagkakape.

"Lagi kasi kaming nag-aaway tungkol sa time. Kung pano kami lalabas kasi dahil sa gigs di nagsasakto schedule namin..."

"...bumabawi naman ako pag walang commitments minsan nga sa kanila pa ko natutulog." Nagkwento si Tatsi.

Hinayaan ko lang sya. 15 minutes would be really short kung aatakihin ko sya ng side comments kaya pinakinggan ko lang sya.

"Narealize ko right after nung breakup namin Lui, all this time dina-divert ko lang talaga yung feelings ko." Then he looked at me straight to the eyes.

Kung noon to nangyari baka di ko napigilan ang sarili ko at mahalin sya ulit. Baka pulang pula na ko sa kilig o baka umiiyak na ko sa saya. But this proved na nakamove on na ako. Hindi ko na kilala yung mga matang nakatingin sakin - kung noon ito lang yung mga titig na inaantay ko na laging tumama sa mga mata ko pero ngayon iba na. Not hearing anything from Jeric plus this situation made me long for him more. Wala yung selos o pagdududa na baka magkasama sila ni Madel, actually guilty rin ako dun kasi bakit ko kasama si Tatsi kahit wala naman kaming masamang ginagawa. Pero yun nga, that very moment, hinahanap ng mata ko si Jeric. Hindi si Tatsi.

"Wala na talaga no, Lui?" Tapos iniwas na nya yung tingin nya at uminom ng kape.

Tumango lang ako. Ayoko rin namang nakikita syang ganyan. Again, matagal rin kaming naging magkaibigan. Nakita ko kung pano sila nagsimula, sumikat at kung pano nya napanatili ang pagiging humble. Never nag-iba si Tatsi kahit pinagkakaguluhan na sila ng mga babae at talagang kilalang kilala na.

The Story of UsWhere stories live. Discover now