She hugged me and even attempted to kiss me. Pero iniwas ko yung sarili ko sa kanya. She needs to feel na hindi lang sa salita yung hindi na kami pwede... Kasi kahit saan nya pa tingnan hindi talaga tama yung ginagawa nya.

"Hindi na ba natin talaga pwedeng ibalik Jeric? Hindi ka nanghihinayang dun sa tagal natin comparing it to this new relationship that you have?" She crossed her arms as if she's keeping herself together.

"Saying sorry might not be enough Madel but that's the only thing I can do. I'm sorry but we are over."

"Ako na yung mag-aadjust this time Jeric. I know dun ako nagkulang and if I'll look desperate dahil ginawa ko 'to... Wala akong pakialam. I wont stop without giving a fight."

Medyo threathening yung binitawan ni Madel sakin.

*************

"Maawa ka sa cellphone Lui. Kanina pa yan lock unlock a." Zenne noticed na kanina ko pa chinecheck yung phone ko.

"Hindi kasi nagtetext si Jeric tapos di sinasagot yung tawag."

"Clingy alert na ba to?" Chams reacted. Tapos tumawa sila with matching pailing-iling pa. Sige na ako na clingy. Pero idedeny ko yan! Hahaha!

"Hindi naman! Ano ka ba... May usapan lang kasi kami na sasama ako sa practice nya for PBA e. Kaya lang di ko naman alam kung nagising ba sya o natatraffic na."

The night before kasi niyaya nya ko sumama sa practice ng Rain or Shine. Papakilala nya raw yung mga team mates nila ni Jervy. Wala naman akong gagawin ng afternoon kaya sinabi kong sasama ako. Medyo out of way nga lang yung shop kaya sabi ko sa venue ko nalang sya pupuntahan.

Pag ganito yung setup ng lakad namin dati ayaw nya... pero napag usapan namin na dapat may mga bagay na meet halfway. Kasi kahit saan namang relasyon dapat give and take... hindi yung dahil sya yung lalaki sua lagi... o kaya naman dahil mas nagmamahal yung isa laging sya ang nasa sacrificial part... kaya ayun, gusto nun na nagtatawagan o kahit text lang para alam kung nasan na. Kaya lang last text nya kasi sakin yung pagkakigising nya. Di rin naman nagttweet at ano pang aasahan ko sa facebook nun - napakatamad. After nun, walang reply and he's not even answering my calls.

I asked Al na rin kanina pero she said na nasa bahay lang naman ang kuya nya nung umalis sya kanina. Kahit sya daw di sinasagot yung tawag.

Kinakabahan ako pag ganito. Natatakot na naman ako. Ayokong mawala sya sakin. Hindi dahil third party... Natatakot ako na something came up kaya di nya napapansin yung phone nya.

After 30 minutes wala pa rin akong nakukuhang kahit anong form of reply from Jeric kaya nagdecide na ko na umalis since he cant afford to be late sa practice. Naisip ko na dumaan muna ng mall to buy something for him to eat after the practice.

See, I'm sweet like that. Kahit na gusto ko ng mag-nag kasi alalang alala na ko sa kanya.

"Boyfriend? Bakit di ka nagrereply? :( worried na ko." Eto yung last text ko sa kanya before leaving the shop.

Nasa mall na ko looking for options para sa meryenda ni boyfriend when I saw someone familiar. Iiwasan ko sana but late na nakita na nya ko at palapit na sya saken na nakangiti kala mo ang tagal namin di nagkita.

Ay, bakit wala si girlfriend?

"Lui! Di mo ata kasama si idol?" Tatsi asked.

Idol... kasi college palang kami sobrang gusto nila ni Kean na maging basketball player. Naging fan boy pa nga ni Allan Evangelista at ni Christian Luanzon si Kean na talagang pupuntahan nya pa sa gym ang practice games. Matagal na rin yun. Wala pang QPAV nun. Kaya yun, pagbasketball player idol agad.

The Story of Usजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें