IKALAWA♥♥

7 1 0
                                    

Dumiretsyo uwi ako sa bahay matapos ang ingkwentro ko sa school. Nakaka bad trip na ewan.

Ha! Who cares pala Ha! Ha! Ha!  Ha!

Ang kapal ng mukha n'ya, eh hindi naman s'ya gwapo may itsura lang s'ya ahh.

Dire-diretsyo akong umakyat sa kwarto ko, sa inis halos ibalibag kuna yung bag ko papatong sa mesa. Nanggigigil akoooo.

Pakiramdam ko na reject ako na ewan

Ang kapal talaga ng mukha nya, eh ano akala n'ya din may pake ako?WALA!!

'di na 'ko nag bihis, humiga na lang ako basta sa kama ko. Masyado akong napagod ngayong araw I need some rest, masyado na 'ata talaga akong pagod para makatulog agad.
Unti unti akong nilamon ng dilim kasabay ng pag bukas ng aking panaginip

Nasa isang park ako na walang ka tao tao, maaliwalas ang paligid at malinis

pero nakakagulat na may tao na unti unting nag pa-pop mula sa kalayuan. Nakatalikod sakin. Kung titignan mahahalata mo na agad na lalaki ito dahil sa pangangatawan.

Unti unti itong humaharap sa gawi ko, nakaka takot sa parte ko dahil hindi na 'ko makagalaw. Habang humaharap sakin ay nag sasalita s'ya.

"who cares "bumubulong. para akong pinupompyang nang bigla itong umaligawngaw sa paligid palakas na palakas. PA ULIT ULIT!!

" WHO CARES!! "
"WHO CARES!! "

"whaaaaaaaaaaaa, tama naaaaa" wala akong ibang ginawa kundi sumigaw, muli kung nilingon ang lalaki ngunit laking gulat ko ng nasa harap ko na ito

"whaaaaa---"

"kiaan, gising na! Kiann!" walang ano huge napabalikwas ako ng bangon, what da heck.

Hanggang sa panaginip ba naman hindi ako tatantanan ng 'WHO CARES' na yan?

Nilingon ko ang wall clock sa kwarto ko, alas singko na nang umaga, papasok na uli ako.
Samantalang hindi ko pa nahuhubad ang uniform ko papasok na naman.

Haysss, buti walang assignment na parang pang elementary

Pumunta na'ko na C. R para maligo, baka sakali kasing magising ako sa katotohanang wala lang talagang taste yung lalaking yunnn.
Si Mr. Who cares

Ewan ko ba kung bakit parang big deal yung dating sakin nung 'WHO CARES' nayun. Siguro dahil first time ko nanaman.

Haysstt!

Pag katapos maligo, nag bihis na 'ko ng pampasok tsaka bumaba

"good morning, sweetie" naka ngiting bati sakin ni mom

"morning" malamyang sagot ko
Mukang napansin naman yun ni mom kaya, biglang lumatay ang pag aalala sa mukha nya

"you okay? " usisa ni mom

"where's dad?" tanong ko kay mom sa halip na sagutin s'ya

As usual inirapan lang n'ya ko na parang dalaga, nag away yan sila for sure. Ang tatanda na nila para mag bangayan at mag tampo na parang teenagers, grabeee!

Habang kumakain 'di ko maiwasang mapaisip, kung 'who cares ' yung sinasabi ng lalaking yun sa panaginip ko... IBIG SABIHIN S'YA DIN YUN!!?

WHAT THE HECKKK?

totoo ba yung sabi sabi nilang kapag napanaginipan mo yung isang tao ibig sabihin 'miss' ka nung taong yun?

Miss? N'ya? Ako? Wews

O sadyang napa sobra lang yung pag iisip ko sa kanya? Pero dahil sa sobrang inis yun kaya ko s'ya iniisip, duhh

'oo ganon lang yun' d-_-b

Mabilis kung tinapos ang pagkian saka lumakad na paalis, hindi na 'ko nag pahatid walking distance lang naman yung school eh.

Habang nag lalakad, bigla kong naalala na ngayong araw na pala mag papalitan ng isang estudyante sa kada section. Pero yung mga president lang yung pinapayagang lumipat para kasi yon sa observation na gagawin

Si Jamiaca yung president naming section love. Sa section Hope kami nakatakadang makipagpalitan ng section

Section love kami, kung sa by numbering yung section, section 1 kami, then Hope yung section 2, faith naman ang 3 at wews, 'bat ba 'ko nagpapaliwanag? -_-+

Nakarating naman ako ng mas maaga sa school kaysa sa inaakala ko.

Pag pasok ko sa room,bnaabutan ko ng nag papaalam na si Jamiaca sa mga ka-klase ko. Halos mag iyakan naman yung iba, kesyo, ma-mi-miss daw nila si Jamiaca mga plastic pwe!!

Ang dadarama hanggang 3 buwan lang naman yun ( ̄. ̄)

Katulad ng nakasanayan umupo na ulit ako sa upuan, hindi nanaman kami mag hihiwalay nito, for sure

Lumabas na si Jamiaca sa room kasabay ng pag pasok ng adviser namin, naka ngiti na s'ya agad

"okay class, alam ko naman na alam n'yo na ngayong araw na 'to ang araw na napag usapang araw ng lipatan"  naka ngiting panimula ni ma'am "mula sa section Hope ang kapalitan n'yo.
Si Fylan ang kanilang president,yes lalaki president nila" animoy kinikilig nadagdag ni ma'am, palibhasa'y fresh graduate, single pa si ma'am

"maam, where is he?"

"oo nga ma'am, pa intense kapa ehh"

"gwapo ba ma'am? "

Ilan lang yan sa mga mahaharot na tanong ng mga ka-klase ko.Yup!MA-HA-HA-ROT!!

Ang landi kasi ng pag kakasabi nila.

"chill lang people, inutusan ko kasi kaya wala pa"

Katulad nga ng sabi ni ma'am nahintay kami yung iba ko namang classmates hindi maawat sa kakabulong tungkol sa exchange student.

Mayamaya'y may narinig na 'kong yapak papasok. Hindi na 'ko nag abala pang tignan kung sino yun, sa halip kinuha ko nalang yung mga gamit na gagamitin ko sa time ni ma'am, science subject n'ya. Kaya kailangan namin ng calculator ant kung ano ano pa.

"ma'am, ito po ba?" tanong ng bagong pasok

"yah, okay people here's Fylan De Gusman ang exchange student from Hope"

"gosh, diba ayan yung transfery?"

"oo nga, yung MVP ng basketball team ng school"

"wawawaw ang gwapo n'ya, bea"

Napalingon ako sa mga ka-klase ko.

gwapo?

Dahan dahan akong lumingon sa harap, as in slow motion pa, pero halos lumuwa yung mata ko sa gulat.

WHAT THE HELL!!? S'YA NA NAMAN!!!

♡♡♡♥♥♡♡♡





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pag lumingon ka..Akin kaWhere stories live. Discover now