"Si Sir!" bulong ni Mary Loise habang kinakalog ang braso ko.

"Neknek mo. Kahit anong sabihin mo hindi ako lilingon."

"Totoo. Si Sir nga."

Hay, Mary Lu. Hindi na ako magpapadala sa mga patibong mo.

"Ms. Villavicencio..."

Mabilis na nagpalpitate ang puso ko nang marinig ko ang boses n'ya. Oo, I know. Hindi ko ito pwedeng isisi sa kape dahil wala pa naman akong naiinom na kape since last month.

"Good afternoon, sir. Nagbasketball kayo?" tanong ni Mary Loise.

"Ah oo. With my batchmates. Kayo?"

"Sinamahan po ako ni Jenny magpadevelop ng pictures sa Kodak. Eh, thirty minutes pa daw po bago ma-claim kaya magkakape muna kami."

Infairness, hindi naman hilaw yung acting n'ya. Pwede na.

"Sir, gusto n'yong sumama?" anyaya n'ya.

Tumingin ako sa kanya dahil baka isipin n'ya hindi ko s'ya pinapansin. Ngumiti s'ya nang lumingon ako at ngumiti naman ako pabalik. Medyo pilit na ngiti.

"Hindi na. Baka kasi gusto n'yong magsolo." aniya habang nakatingin sa akin.

"Okay lang po. No problem diba, Jenny?"

Two seconds siguro ang lumipas bago ko nagawang tumango. Agad namang binuksan ni Mary Lu ang pintuan ng coffee shop kaya sumunod na rin kami ni Sir Raymond.

Caffè Americano ang inorder ko at isang slice ng Brazo. Black coffee ang kay Sir at Hot Choco paired with red velvet cake naman ang kay ML.

"Nanalo po ba kayo?" tanong ni Mary Loise nang walang nagsasalita.

Hindi ko rin kasi s'ya masyadong kinakausap. Hindi ako magaling mag 'act normal'.

"Nope. Yung mga kalaban kasi namin players ng NCAA during college years."

Tumango si Mary Loise saka kung ano anong tinatanong at kinukwento kay Sir. Minsan nagsaside comments ako para naman hindi ako magmukhang rebulto dito. Infairness rin naman kay Mary Lu never s'yang nagbitaw ng kahit anong word na magbibigay kay Sir Raymond ng hint na mayroon s'yang ideya sa nangyayari sa amin. Good job s'ya don.

"Ano bang kukunin mong major?" tanong ni Sir.

"MAPEH po."

"Ahm. Okay 'yan. Bagay sa'yo." saad ni Sir saka bahagyang sumulyap sa akin.

"Ikaw, Jen... anong ima-major mo?"

"General Science po." tipid kong saad.

Sineyasan ako ni Mary Lu na i-elaborate ko yung sagot ko pero nang hindi ako nagsalita ay bigla s'yang umirap at tumingin sa kanyang relo.

"Oh d'yan ka lang, Jen. Kukunin ko 'yung picture."

"Sasama ako!"

Tumayo ako ngunit pinanlakihan n'ya ako ng mata.

"Ako na lang ang kukuha. Bantayan mo 'yang cake ko. I'll be back." agad s'yang pumihit palabas ng pinto kaya hindi ko na sinubukang sumunod.

Kami na lang dalawa ang naiwan sa table kaya naman hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya naman hinihintay ko s'yang mauna.

"Sorry, mapawis ako." aniya.

"Hindi. Ang bango mo nga eh." wika ko.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko s'yang ngumisi. Mali ata 'yung mga salitang ginamit ko.

"Ang ibig kong sabihin, okay lang dahil hindi ka naman amoy pawis." bawi ko.

Tumango s'ya saka sumimsim sa kanyang kape.

"May katext ka ba? May ime-meet? Gusto mo mauna na ako?"

Hawak ko kasi ang cellphone ko para makaiwas sa eye contact.

"Hindi. Nafe-facebook lang ako. Nag upload kasi Kai."

Speaking of Kai, wala man lang akong guts sabihin sa kanya ang tungkol kay Sir Raymond. I feel guilty. Again.

"Ini-stalk mo parin ba ako?" pabiro ngunit medyo seryoso n'yang saad.

"Oy, hindi ah."

Ngumisi s'ya saka hinila ang silya n'ya para mas mapalapit sa akin. Nakapatong ang mga kamay n'ya sa lamesa at iyong mga mata n'ya parang ineeksamin ako.

"About sa kanina. Hindi stalking ang tawag 'dun. More like investigating. S'yempre curious lang ako kung anong klaseng tao yung nagkakagusto sa akin."

Ngumisi s'ya saka sumimsim ulit sa kanyang kape.

"Sorry." saad ko.

"Okay lang. Totoo namang may gusto ako sa'yo."

Sumimsim rin ako sa kape ko para mapagtakpan ang pagngiti ko. I know I failed dahil kahit ang mga mata ko'y ngumingiti na rin.

"Hindi mo naman kailangan mag investigate para makilala mo ako. Pwede ka namang magtanong. Usap tayo. Parang ganito."

Tumango ako at nagpatuloy sa pagscroll.

Hay, Sir. Gaano ka-close?

"What do you want to talk about?"

"Kahit ano. Everything under the sun." sabi ko kahit tungkol sa feelings n'ya ang pinunta ko dito.

"Anong masasabi mo sa student-teacher relationship? Do you think it is immoral and unethical?"

Ibinaba ko ang cellphone ko sa lamesa at saka tumingin sa kanya.

"Ano 'to Ms Universe?"

"Sabi mo kasi everything under the sun eh."

Nagbuntong hininga ako habang sinasalo ang mga titig n'ya. If it is us we are talking about, ano nga kaya?

"Immoral, no. Kasi love is not bad. Unethical bilang isang teacher, siguro oo."

Tumango s'ya saka muling sumimsim sa kanyang kape.

"Totoo. Hindi naman talaga magandang tingnan kung mayroon kayong relasyon ng teacher mo. Pero ano bang magagawa ko eh tinamaan ako? Sayo..."

Natuptop ko ang aking bibig saka mahinang humagikhik. Hindi ko alam kung bakit ako natawa.

Siguro kinikilig na nga ako. Siguro kasi natutuwa ang puso ko.

Dahil aamin ko na I'm happy... kasi gusto n'ya ako.

Seven LightyearsWhere stories live. Discover now