Prologue

69 1 0
                                    

Meet Erol, ang tinaguriang badboy na kayang magpaiyak ng babae at pati na rin ng mga bakla.

Meet Erol, ang tinaguriang badboy na kayang magpaiyak ng babae at pati na rin ng mga bakla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EROL KLEIN (up)

May mga nagsasabi na kahit mga lalaki ay napapaluhod nito sa harap niya (at pinapagawa ang alam niyo na). Pero sabi sabi lang yon at wala akong balak paniwalaan.

Hindi lang yon ang bumubuo sa pagkabadboy nitong lalaking to. Kadalasan ay nakikita ko siya sa labas ng school (sa mismong tapat ng gate) na nagsusunog ng baga bago pumasok o di kaya'y tuwing lunch break.

Madalas din siyang makipagbasag-ulo kasama ang nga tropa niyang sunud-sunuran sa kaniya. Minsan, pumasok ito na may black eye at putok na labi. Pero sa halip na pandirihan ay mas lalo pang nahumaling ang mga babae sa kaniya dahil matapang at malakas daw ito. (Kaya daw silang ipagtanggol sa masasamang loob)

Lagi ko rin nababalitaan na madalas sa Guidance Office si Erol dahil sa pagsuway sa mga teacher at pakikipag-away sa mga estudyanteng humaharang sa dinadaan niya.

Feeling diyos si Erol, kung ilalarawan. Dahil na rin siguro ang kanyang ama ang may ari ng Montague Academy at isang tanyag na businessman.

Kaya naman bilang isang mabuting mag-aaral na walang ibang hangad kundi ang kaligayahan ng mga magulang ko ay ginagawa ko ang lahat, maiwasan lang si Erol.

Ako si Calvin Lee, ang unico hijo ng isang singer at composer na hindi masyadong nakikita sa TV.

Ako si Calvin Lee, ang unico hijo ng isang singer at composer na hindi masyadong nakikita sa TV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CALVIN LEE (up)

Sa kagustuhan kong maging gaya ng aking ama ay isa akong wanna-be singer. Minsan na din akong kumanta sa school noong foundation day dalawang taon na ang nakalilipas. Pagkatapos non ay hindi na muli akong pinaakyat ng stage.

Gusto ko din mag-artista gaya ng yumaong ina, kaya naman ay inaalagaan ko ang aking balat at mukha, pati na din ang aking katawan. Healthy diet para hindi tumaba at hindi din masyadong pumayat.

Ngayon ay umpisa na ng aking huling taon sa Senior High School. At sa kamalas-malasan ko...

Ay naging kaklase ko si Erol Klein.

Falling for the Bad Boy (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon