(Notice: This is only an imaginative piece, and didn't happened in real life.)
Starring all of your article makers here.
----------
Grandark: Hay naku, Creative Self. Bakit ba tayo naririto?
Creative Self: Ayan si K, gustong makakita ng baliw.
DeckardCain: Pahinging lubid, talagang magbibigti na ako.
Geek: Teka, parang may kakaiba sa babaeng 'yun.
Caution: Oo na. Maganda. Lapitan mo na.
Geek: Loko, hindi ganun.
IncubusXXX: Parang kakaiba ang Aura niya.
A1: Puntahan na natin.
------
Grandark: Ah Miss, ehrmmm ...
Babae: Kung magpapakuwento kayo sa karanasan ko, huwag na. Pati mga attendant dito hindi naniniwala sa akin.
Geek: Ako maniniwala sa'yo <3
Deckardcain: Tumigil ka nga riyan. Ate may lubid ka? Magbibigti na ako sa kagandahan mo.
A1: Pareho lang kayong pag-uuntugin ko eh.
Grandark: Teka teka, ano bang ikukuwento mo?
Babae: Sa karanasan ko nang pumasok ako sa Deep Web.
Creative Self: Naku, babaeng version ni Joel 2012.
Grandark: Sige makikinig kami.
----------
Game magkukuwento na ang babae.
Gumamit ako noon ng TOR Browser. Kasi nang i-PM ko ang Deep Web Enigma page, tinuruan ako ni Poging Grandark na magdive.
----------
Geek: Teka? Siya lang ang pogi?
Creative Self: Oo nga miss. Di ka ba napopogian samin?
Astra: Bulong bulong ...
Creative Self: Gusto ko pa pong mabuhay Astra! Wag po!
----------
Okay itutuloy ko na. Noong una ay tinitingnan-tingnan ko lang ang mga sites na onion links doon. Ang saya kasi kahit mabagal magloading eh alam mong nasa Deep Web ka na. Isang ads ang lumabas na nagsasabing makipag chat daw ako kapalit ng BitCoin. Ang mahal ng BitCoin kaya nagchat ako ng Hi.
----------
Deckardcain: Ay putek Joel na Joel nga.
Dipper: Shhh nakikinig ako.
----------
Nagchat kami for one hour, hanggang sa isang account ang natanggap ko. .50 BTC ang laman! Tuwang-tuwa ako. At sinabi niyang Pilipino siya at gusto niya lang daw makipagmeet, bibigyan pa niya raw ako ng tripleng BTC. Kaya kinabukasan, naghintay ako sa may sakayan ng jeep.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero isang panyo ang nakita ko at nagdilim ang paningin ko. Nang magmulat ako ay nakahiga ako sa papag na kawayan, nakakadena, at may mga camera na nakatutok sa akin. Lumingon-lingon ako at may mga babaeng ganun din ang sitwasyon sa tabi ko. At natanaw ko ang mga lalaking may hawak ng Butcher Knife.
----------
Deckardcain: Hoy Grandark! Daliri mo na 'yang nginangata mo, saka pahingi kami!
Grandark: Aww. Sige.
----------
Lumapit ang isang lalaki sa isang babae sa tabi ko. Gamit ang Butcher's Knife ay tinaga niya ang bandang balikat nito. Nagtalsikan ang dugo sa mukha ko.
Napatulala lang ako noon. Ano ba 'tong napasok ko?
YOU ARE READING
The Girl Who Crossed The Deep Web
Historical FictionIto ay kuwento ni Luaine at ng kaniyang mga kaibigan nang pasukin nila ang mundo ng Deep Web. Naipost ito sa Facebook Page ng Deep Web Enigma kung saan kabilang si Grandark sa mga Editor nito.
