"Suko"
Apat na letra, isang salita...
'Suko'ang ibig kong sabihing talaga...
Hindi ko na kasi kaya...
Parehas Na kasi nating isinasawalangbahala ang isa't isa...
Kaya ang unang pumasok sa aking kaisipan...
Sumuko Na lamang upang hindi masaktan...
Hindi ka masaktan at Hindi ako mahirapan...
Mahirapang tibayan ang loob pag ako'y pinabayaan...
Mapabayaan kapag ika'y nakatagpo ng mas higit sa 'king makakayanan...
Makayanang mahalin ka ng buo walang labis walang kulang ...
Kulang Na kasi tayo sa panahong Sana'y mailalaan sa taong iyong pinangakuan...
Pinangakuang mahalin, alagaan, Samahan Mula umpisa hanggang kailanman...
Ako yun, ang taong iyong Pinangakuan at kasamang sinumpaan ang mga katagang ' Ikaw at ako hanggang dulo magpakailanman'...
Kaya ang pag 'Suko' ang aking Naisip Na solusyon sa pagpapanatiling buo ng aking misyon...
Misyong mahalin ng taong aking minamahal ng buo ng walang hahadlang........
_-_-_
