Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lang siya kumilos sa akin kagabi. Naguguluhan na ako sa pagkatao niya.


Tandang-tanda ko pa, siya 'yung lalaking nakipagkilala sa akin sa may ospital sa bayan nung araw na sinamahan ako ni Paolo magpa-check up, nung araw na malaman kong buntis ako.


And now, we met again. I barely know him. We barely know each other pero bakit ganon na lang siya makaasta sa akin?


"Dara? Ayos ka lang ba?"


Ano bang gusto niyang mangyari? Kinakabahan ako na baka magtagpo ulit ang landas namin, ngayong nasa iisang lugar lang kami.


Napabuntong hininga ako nang malalim.


"Dara,"


"Dara."


"Ah!" Gulat ko nang maramdaman kong may marahan na tumapik sa braso ko. Napatingin naman ako kay Paolo na ngayon ay mataman na nakatingin din sa akin. "Bakit?" Nakakuno't-noo kong tanong.


"Kanina ka pang tulala dyan. 'Yung mga okay na isda, naisasama mo sa mga hindi okay." Napatingin naman ako sa mga isdang pinaghihiwalay namin.


Nakagat ko ang labi ko.


"Ay, sorry. Pasensya na. Ibabalik ko na lang ulit." Saad ko na siyang ginawa ko naman.


"May problema ka ba? Mukhang kanina pang malalim ang iniisip mo dyan eh."


Nabalik ang tingin ko sa kanya nang tanungin niya 'yun sa seryosong boses. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko, kaya napaiwas ako ng tingin at binalik na lang ang atensyon ko sa mga isda.


"Wala, ano ka ba? H-huwag mo akong intindihin. Tapusin na lang natin 'to." Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun pero rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.


Makalipas ang ilang sandali at patapos na kami ni Paolo sa ginagawa namin, nang marinig ko ang boses ni nanay Ising.


"Dara, iha. Halika, at tumayo ka muna dyan. May bisita ka." Napakuno't-noo naman ako.


Sinong bisita ang tinutukoy ni nanay Ising?


"A-ah. Sino ho, 'nay?" Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng kaba.


Ngumiti ito nang malawak na para bang tuwang-tuwa sa dumating na 'bisita'.


"'Yung pamangkin ni don Miguel." Kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa kaba. "Halika na, at naghihintay siya sa'yo sa sala."


Namutla ako sa mga narinig.


"A-ah, 'nay. Hindi pa po t-tapos 'yung ginagawa namin eh." Hindi ako mapakali.

Brother's Obsession [EDITING]Место, где живут истории. Откройте их для себя