Hindi talaga nakakasawang titigan siya. Hindi ko naman basta bastang malapitan siya kasi napaka sungit nito.
"OK class aalis muna ako dahil pinapatawag ako ng principal, aasahan ko na hindi kayo mag-iingay." pagkaalis ni ma'am ay saka ako lumapit kay Zylor. Gusto kong mapansin naman niya ako, matagal ko na siyang gusto..buti nga at kaklase ko parin siya hanggang ngayon.
"Hi Zylor, pwede bang maki-upo dito sa katabi mong upuan?" tanong ko sa kanya. Medyo kinakabahan man ay naitanong ko parin sa kanya yun. Sana naman tumingin siya dito sa gawi ko or kahit hindi na basta sumagot siya sa tanong ko.
"You have your own seat so why would you want to sit beside me?" tanong nito pabalik sakin ng hindi nakatingin sakin dahil tutok na tutok ito sa kanyang sinusulat. Aish! Kelangan ko mag-isip ng rason para makatabi ko siya sa upuan kahit ngayon lang.
"Ah.. Ano..magpapaturo sana ako sayo don sa diniscuss ni ma'am kanina..hindi ko kasi maintindihan eh" please maniwala ka! Naiintindihan ko naman talaga eh tsaka ang basic nga lang non kaso wala na talaga akong maisip.
"It's too simple. You always have a high score in this subject so how come that you don't get it?" Aish! Napakatalino talaga niya. Ba't di na lang kasi siya maniwala.
"Ah...kasi ano...Hindi kasi ako nakikinig kanina, medyo inaantok kasi ako." maniwala kana please!
"I'm busy" Ano daw? Busy? Tsk! Nagsusulat lang din naman siya ah. Ang sabihin niya ayaw niya talaga akong katabi, turuan o pansinin man lang. Hindi nga niya ako tinitignan kahit silip lang.
"Sige wag na lang." humakbang na ako paunti-unti baka mag-iba pa isip niya eh pero wala talaga.
Dumating na si ma'am at nagcontinue na ang klase. Hindi parin ako susuko Zylor. Mamaya ka sakin sa lunch.
"OK class dismiss" pagkasabi na pagkasabi ni ma'am non ay dumiretso agad ako kay Zylor.
"Ah Zylor, pwede bang makisabay ako sayong maglunch?" please pumayag ka! Please!
"How bout your friends?" tanong niya.
"Ah mamaya pa yung labas nila eh" bakit ba ang dami niyang tanong, eh Kung pumayag na lang kaya siya.
"I'm with my friends" sabi nito at naglakad na paalis ng room.
"Teka! Pasabay parin ako. Wala akong kasama eh" sabi ko dito ng nakahabol ako sa kanya. Hindi na rin naman siya nagsalita pa.
"Uy tol! Sino yang kasama mo?" tanong ng isa niyang kaibigan.
"Just my classmate" walang kabuhay-buhay na sagot nito sa kaibigan niya. Yeah I'm just your classmate but I'll be your girlfriend soon.
"Hi! I'm Psyche!*smile*" pakilala ko sa kanila, hehe dapat maganda First impression ng mga kaibigan niya sakin.
"What a beautiful name!*wink*" sabi ng kaibigan niya na mukhang playboy.
"Hehe thank you." pabebe ko kunyari haha
"Aren't we going to eat?" singit ni Zylor.
"Ako na ang mag-oorder, Anong order niyo?" presinta ng isang kaibigan ni Zylor na mukhang mabait at may pagkaseryoso din.
"Ganun parin pre yung sakin"
"Sakin din"
"Zylor? Sayo?" tanong niya kay Zylor, tumango lang ito sa kanya mukhang alam na niya ang order nito sa isang tango lang, hindi man lang sumagot ng maayos.
"Sayo?" baling niya sakin
"Ah Ano, ako na lang hehe" sabi ko at tumayo na.
"I insist" hayst sige na nga.
"Ah sakin...dalawang order ng kanin, isang giniling, dalawang piraso ng fried chicken, 1 slice of pizza, Isang French fries at Mcfloat." Kaya ayaw kung iba ang mag-order sakin eh kasi nakakahiya. Tignan mo halos lahat sila nakatingin sakin except kay Zylor. Nakakahiya tuloy. Umalis na siya at nag-order.
"Kaya mong ubusin yun lahat?" tanong sakin ng kaibigan niya na nagtanong kung sino ako kanina.
"Ah hehe Oo naman" nahihiya kong sagot.
"Anyway hindi pa pala kami nakakapagpakilala sayo, I'm Jonard" pakilala sakin nito.
"At yang babaero na yan *turo don sa isa* yan si Jenard kakambal ko at yung nag-order ng mga pagkain natin ay si Tristan,syempre kilala mo na yan si Zylor."
"Ah, nice to meet you all" ngiting sabi ko.
Dumating na din si Tristan dala-dala yung mga pagkain namin ngunit nahihirapan siyang dalhin ito kaya tumayo ako at tinulungan siyang magbitbit.
"Kain na tayo"-Jonard
"Ah Zylor, Sayo tong isang fried chicken" alok ko sa kanya.
"No thanks" hayst tanggapin na lang kasi.
"French fries, you want?" tanggapin mo na please naman.
"I don't want" Ay ayaw parin.
"How bout pizza?"
"Will you stop it?!, just eat your food and I'll eat mine" pinagpipilitan pa kasi eh, sabi ngang ayaw niya.
"Hmm.. Ok" *sigh* nakakawala ng gana kumain.
"Can I have the pizza?" eh? Tanong ni Tristan sa seryosong mukha. Sigurado ba siya diyan? Ba't ang seryoso naman ata niya.
"Well it's fine if you don't want"
"Naku! Ok lang, Sayo nato*sabay bigay kay Tristan*
"thanks" nginitian ko lang siya.
"I'm done" biglang tayo ni Zylor at umalis na ito. Di man lang ako hinintay ng lalaki na yun.
"Sige mauuna narin ako baka malate narin kasi ako. Geh bye guys, nice meeting you all.*smiles*" paalam ko sa kanila at mabilis na humabol kay Zylor.
"Wait lang naman Zylor! Hintayin mo ko!!" hayst ang bilis naman maglakad ng lalaki na yun.
"Tsk" may pa tsk tsk pa siyang nalalaman.
"Di mo man lang ako hinintay *pout*" tumalikod ito bigla sa akin. Luh! Ganun ba ako kapangit kaya hindi siya makatingin sakin?*sigh*
"Stop following me"
Turan nito. Tinatalikodan niya talaga ako o kaya di siya tumitingin sakin kapag nag-uusap kami. Palagi naman*pout*.
"Bakit kapag nag-uusap tayo di ka tumitingin sakin o kaya kahit humarap na lang? Ganun ba talaga ako kapangit kaya di ka makatingin? Ang pangit pangit ko ba talaga?" bigla siyang humarap at tumitig sakin. Eh? Bakit ganyan siya makatingin?
"Who said that you're ugly? I'm not looking at you cause whenever I look at you I can't stop this feelings inside me" Eh? He can't stop his feelings? Ibig bang sabihin non nagkakagusto narin siya sakin?*blush*
"Ah eh...hindi ka kasi tumitingin sakin kapag kinakausap kita kaya naisip ko na napapangitan ka sakin*pout*"
"Stop doing that" Eh? Ang alin? *pout*
"Ang alin?*pout*"
"Tsk! I said stop pouting or else.."
"Eh?"
"I'll kiss you hard in front of this student" Eh? *blush*
