It is september 4 today ang bilis ng panahon parang kahapon lang nangyari yon..
Isang taon na rin ang nakakalipas. Hanggang ngayon siya parin ang iniisip ko,inaalala ko,minamahal, inaasam, hinahanap. Ano bang meron sakanya? Sa lahat ng taong minahal ko, Siya, siya ang taong hirap na hirap kong kalimotan? Bat gusto ko parin na sana siya nalang? Sana ako na lang? Sana kami nalang dalawa?
Taena ng dahil sakanya nagbago ako...
Siya yung taong hirap kalimotan,siya yung deserve na mahalin, siya yung taong kapag nasa sayo siya wag mo ng pakawalan...
Pero wala e, pambihirang tadhana hindi nakisama.
Umaasa parin ako hanggang ngayon na sana bumalik yung dating siya..
Ako at siya rin kaya? Na bubuo ng Tayo sa huli?
Para sakin ba talaga siya?
Para sakanya ba talaga ako?
Yung hindi na ikaw at ako dahil may tayo?
Bakit ganon?
Kahit alam mo ng nasasaktan ka pinapatuloy mo pa rin?
Bakit ganon?
Bakit ang hirap tanggapin na hindi siya para sa akin?
Humahawak ako ng mahigpit sa taong ayaw ng kumapit
ikaw nagbabasa, naranasan mo na bang mainlove ng sobra yung sobra talaga na tipong mahal mo na siya pero hindi ka makapag move on sakanya hindi mo tanggap nasasaktan ka na pero pinapatuloy mo parin? Tulad ng sakin? Naranasan mo na rin ba?
Sino ba first love mo?
Naniniwala ka ba sa first love never die?
Ganon ba talaga kapag first love? First love never dies...
Ah! Bat ako nagkakaganito nagmumukha akong bakla taena...
"pare, okay ka lang?" tanong ni angelo
Tinanguan ko lang siya
"tara na nga may aasikasuhin pa ako sa office ko." hindi ako tumayo, sa totoo lang wala akong gana ngayon.
Tinignan ako ni angelo at tinapikan ako sa balikat at umalis na siya
Alam ni angelo kapag wala ako sa mood o meron, sa lahat ng kaibigan ko siya ang pinakamalapit sakin...
Malaki ang pasasalamat ko sakanya dahil sa ginawa niya nung nakaraan...
Nagsimula na kong maglakad patungo sa choice maet para bumili ng makakain... Hindi ako mayaman may kaya lang kami sa aming apat sa noah ang pinakamayaman.
Ang best friend ko simula ng pagkabata nasira lang ng dahil sa isang...
Wala..
Pauwi na ko ng nadatnan ko siya...
Lahat ng nangyari 1 year ago lahat bumalik...
Lahat naalala ko...
Nagsync lahat sa utak ko...
Napahinto ako sandali ng nilapitan niya ko...
Ambilis ng tibok ng puso ko.
Kinakabahan ako sobra.
Tinignan ko ang kabuoan niya nakaitim siya ng doll shoes at nakapony tail ang buhok nakadress ng kulay white na may mga bulaklak dito...
"e-excuse me.." sabi niya.. Agad naman akong tumabi at dumaan siya.
kung sana hindi lang nangyari yon... Hindi sana ganito lahat..
Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Siya ang first love ko..
"Pieces of you assembles me. But you, you are the one who destroy and put me into broken shades we call pieces."
bulong ko habang tinitignan siya papalayo..
