-----57th string-----

Start from the beginning
                                        

At dahil sa sinabi nya, nag-iwas na lang ulit ako ng tingin.

“Blushing your face. Tara na nga nakapwesto na sina Blaire.”

“Too excited to ride on me, huh?” and there, he showed me his lopsided smile again.

“Tigas mo ah. Excited lang ako kasi may one-point na ko at feeling ko mananalo ulit tayo sa larong to. Ibig sabihin, may pag-asa pa kong maging big winner ng BB house!”

“Umaasa ka pang mananalo ka? You’re a one hopeless dreamer, huh.”

“Aba aba. So ayaw mong galingan ko? Sige magpapatalo na lang ako para lamang na si Kevin sayo.”

Pinitik nya muna ako sa noo bago nagsalita, “Let’s win this.”

5rounds ang napagkasunduan namin.

Sa unang dalawang round eh panalo kami ni Vano pero sa pangatlo at pang-apat na round eh natalo kami. Pano, namamasa si Kevin at halos di ko na maimulat ang mga mata ko kaya nadadali ako ni Blaire. Nagpoprotesta naman ako sa kadayaan ni Kevin pero nagkikibit-balikat lang si Vano. Ayan tuloy, tie na naman.

IMPORTANT NOTE: Ang sarap sakyan ni Vano. Heaven. Dito na lang ako forevs! HAHAHAHAHAHA

Sa huli, natalo kami ni Vano. Grabehan lang. Hindi kinaya ng musCLES ko ang powers ni Blaire at kadayaan ni Kevin.

“Pano ba yan, man, lamang na ko sayo.” Pagyayabang ni Kevin kay Vano.

“The game is not over yet. We still have another 5 sets...” sagot ni Vano sabay lingon sa’kin. “This time, kami naman ang sasampa.” At ngumiti ng nakakaloko ang tukmol.

“You’ve got to be kidding me, Phil.” – Blaire

“Man, I like that.” – Kevin

“HUH. In your dreams.”

Dahil sa pagod ay napagdesisyonan naming magpahinga muna. Helehelera ako, si Vano, si Blaire, at si Kevin na nakaupo sa swimming pool habang umiinom ng champagne at pinapanood ang paglubog ng araw.

Deretso ang tingin ko sa kalangitan pero kitang-kita ko sa peripheral vision ko ang pagtitig ni Vano sa’kin. Oo, titig as in titig talaga. Kanina pa sya nakatingin sa’kin kaya naman hirap na hirap ako sa pagkilos. Ingat na ingat pa nga ako sa pag-inom ng champagne at baka maturn-off sya. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong harapin sya at sabihing “ano bang tinitingin-tingin mo dyan? Ang ganda ko ba?” pero dahil naeenjoy ko ang atensyong ibinibigay nya sa’kin, nagkukunwari na lang ako na hindi napapansin ang pagtitig nya.

“Phil!” rinig kong tawag ni Blaire at nakita ko ang pag-iba ng direksyon ng ulo ni Vano. Nanatili akong nakatingin sa palubog na palubog na talagang araw at binuksan ng maigi ang tenga ko.

“D’you remember our field trip during our freshman year? When Kevin went missing and Mrs. Vergara had gone mad at him when she found out that he was just left sleeping in the bus? Oh I loved her reaction! She looked like some kind of a witch!” – Blaire

“Well. It was her fault. She should’ve checked our attendance before proceeding.” – Kevin

“Mrs. Vergara seemed to be so protective of you, Natal. Did it ever crossed your mind that you are an adopted child and that she’s your real mother?” – Ivan

“What the hell, dude. Do I look like witch’s son? Or an ogre? F*ck that.” – Kevin

“Yeah you seemed to be an ogre back then, Kevin! And hey, I will never forget Phil’s ‘Rizal’ hairstyle. Oh my God he looked...” – Blaire

“Shut it.” – Ivan

“I have a picture of your Rizal look, Phil! D’you want me to upload it on Facebook next Thursday? THROWBACK!” – Blaire

Okay. OP ako.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumingin sa tatlong taong katabi ko...

Si Ivan, si Blaire, at si Kevin.

Silang tatlo na ilang taon nang magkakakilala, silang tatlo na subok na ng tadhana, silang tatlo na marami nang pinagdaanan kasama ang isa’t-isa, silang tatlo na nagkaroon ng lamat dahil sa pagmamahal ng isa na nagmamahal sa isa.

Tahimik ko lang silang pinanood habang nagtatawanan at nagbibiruan tungkol sa mga pinagdaanan nila nung high school.

Lalo ko tuloy narerealize kung gano kalayo ang agwat namin ni Blaire.

Lalo ko din narealize na tama lang ang desisyon ko na layuan si Vano.

Kasi ayoko nang dumagdag sa love triangle nila. Si Leeanne mahal si Vano na mahal si Blaire na mahal si Kevin. Tapos etong si Kevin nagkukunwari na may gusto sa’kin. Ano to, water cycle? Mga ganun? Ang kumplikado na nga nilang tatlo, dadagdag pa ko. HAYS.

Ayoko na ng gantooooooo. Masakit!

“Hey. What are you thinking?”

Bumalik ako sa katinuan nang harapin akong muli ni Vano. POTEK. Nahuli nya kaya akong nakatitig sa kanya?!

“HAA? Ah eh wala naman.”

“Really.”

“Oo nga.”

“Masakit?” Napanganga ako sa tanong nya. Nababasa nya ba ang utak ko?!

“HAA?! Hindi ah nako hindi talaga nagkakamali ka lang ng basa sa’kin wala to no joke joke joke lang.”

Kumunot ang noo nya bago nagsalita, “Ano bang sinasabi mo dyan? Yung bukol mo yung tinutukoy ko.”

“AAAAAH yun ba. HAHAHAHA sabi ko nga yung bukol ko masakit. Hindi pala. Hindi naman masyado.”

Mas masakit yung heartness ko e. CHAROT. HAHAHA ARTE.

“Let me see.” Hinawakan nya ang ulo ko at inilapit sa kanya. Maya-maya’y naramdaman ko na naman ang pagdampi ng labi nya sa bukol ko.

Bakit ganun? Pag pinipindot-pindot ko yung bukol ko kahit mahina lang nakirot, pero pag labi nya hindi?

“There. Gagaling na yan.”

Tiningnan ko sya at nginitian bago sumagot, “Narinig ko na yan kanina e. May bukol pa rin naman.”

“Just wait and see.” Mayabang na sabi nya sabay akbay sa’kin. Ngayon ay nasa pinaglubugan ng araw ang atensyon nya.

Isinandal ko ang sarili ko sa kanya at tumingin na lang din sa direksyong tinitingnan nya.

I guess God is giving me the opportunity to savor this moment because tonight is the last night of this trip...

And  tomorrow is another day.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now