-----57th string-----

Start from the beginning
                                        

“Hoy oo nga bat nyo kami pinapanood? Dun kayo sa malayo!”

“Baby naman, gusto kita makapartner eh.” – Kevin

“I just want to make sure that I won’t be your partner. I don’t want to lose.” – Ivan

Okay. Nawala na naman ang sweet bones ni Vano. Pisti.

“Tse. Lumayas kayo dito.” Pagtataboy ko sa dalawa at muling pinagpatong ang kamay namin ni Blaire.

“Okay okay we won’t peep.” Banggit ni Kevin sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusukong magnanakaw. Namangha naman ako nang gayahin sya ni Vano.

He looked... CUTE.

Kung pulis lang ako at nakahuli ako ng magnanakaw na gantong nakamamatay ang ngiti, sa kwarto ko sya ikukulong. BWAHAHAHAAHA

“Talikod.” Utos ko sa dalawang tukmol at sumunod naman sila. Pagkadapa na pagkadapa ng kamay ko (Black) ay agad kong tiningnan yung dalawa. As expected, nahuli ko silang nakatingin sa mga kamay namin bago tumalikod ulit at nagpatay malisyang tumuturo-turo pa si Kevin sa kung saan man samantalang tumatango-tango pa si Vano sa kung anumang tinuturo ni Kevin.

Sisigawan ko pa sana yung dalawa nang biglang magsalita si Blaire.

“Boys and their games. It’s good to see them like that, right?”

Oo nga naman. They looked adorable kahit nandadaya sila.

“Girls, no peeping.” Biglang sabi naman ni Kevin nung sila na yung magkokopong ni Vano. Pag sila pwede sumilip pag kami bawal?

“We’re done so what’s the point of hiding it from us?” – Blaire.

“Hay. Mga babae talaga unfair.” – Kevin

“Indeed.” – Ivan

So talagang nagkakasundo na sila ngayon no? Lalo na pagmangyayamot. Pag-awayin ko na lang kaya ulit sila?

Nakahalukipkip kami ni Blaire habang pinapanood ang dalawa. Nang magpatong ang kamay ng mga hambugrao ay palihim kong sinisipa-sipa, tinatadyak-tadyakan, at sinasapuk-sapok si Vano sa utak ko dahil ayaw nya kong maging partner.

Inaasahan kong maglalahad ng palad si Vano (white) dahil nga sa ayaw nya kong maging partner, pero laking gulat ko nang magdapa sya ng kamay. Pabalik-balik kong tiningnan si Vano sa mukha at sa kamay nya para masiguro kong hindi nagkakabuhol ang braso nila ni Kevin at si Vano talaga ang partner ko.

“Black?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

“Yeah. You?” tanong nyang nagmamaang-maangan samantalang alam naman naming lahat na nakita na nila yung resulta sa kopong namin ni Blaire.

“Black.” Sagot ko na hindi na makatingin sa kanya. Bakit? Bakit sya nagblack? Kala ko ba ayaw nya ko makapartner? Pero dahil nga partner ko sya, ibig sabihin... Sasakay ako sa balikat nya?

EMERGERD. This is soooooo gonna be FUN!  :D

“Oh. How unfortunate of me.” sagot nya kaya naman napalingon ako sa kanya ng di oras.

“Kapal mo ha. Swerte mo nga may aangkas sayong chix e.”

“Kailan pa naging swerte ang pagbuhat ng isang sako ng bigas? Wait. Are you blushing?”

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now