So that means may 1 point na ko!
EMERGERD. Feels like heaven. Ganto pala ang feeling na magkaroon ng puntos. Pero sadyang mailap talaga sa’kin ang tadhana. Ang pagkapanalo ko ay bitter-sweet. Bakit?
Kasi nung last round, tie ang points namin kaya naman mahigpit ang laban. All Seven e. Superdupermegahyper ang effort ko mahanap lang yung winning piso na yun. As in feeling ko it was a matter of life and death. Laking ligaya ko nang makapa yung piso. Dinakma ko sya agad-agad pero dahil maswerte kong tunay, nauntog ako sa gilid ng pool nung aahon na ko.
Dalawang kamay ang nasa ulo ko, hawak-hawak pa rin ng mahigpit ang piso, habang pikit-matang iniinda ang sakit. Naramdaman ko na lang ang paggalaw ng tubig dahil sa paglapit sa’kin ng tatlo.
“Baby? Nangyare sayo?” – Kevin
“Have you found it, Leeanne?” – Blaire
“Oo na sa’kin na yung luntiang piso pero paksheeeeeeeet nauntog ako!” reklamo kong hawak-hawak pa rin ang ulo kong nilindol, intensity 9999.
“Psh. Di kasi nag-iingat.” Sabi ni Vano at akmang hahawakan ang ulo ko.
“O...oy! Anong gagawin mo?” takot na tanong ko at astang pinoprotektahan ang ulo ko sa masamang binabalak ni Vano. OH NOES. Nagmura ba ko?
“WAAAAAAH!” sigaw ko nang swabeng tinanggal ni Vano ang pagkakahawak ko sa ulo ko. Kinuha nya ang piso sa kamay ko at hinawakan ang lower part ng ulo ko, hinila ako papalapit sa kanya, at naramdaman ko na lang na hinalikan nya ang tuktok ng ulo kong nauntog kanina. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi agad ako nakareact at nalimutan ko ang pagkirot ng ulo ko.
Shet na malupet. What the heck did just happen?
“There. Gagaling na yan. Trust me.” mayabang na sabi ni Vano sabay kindat.
EMERGERD. Nauntog din yata yung labi ko?
..........................
Nang makarecover sa pagkakauntog ay balik laro na naman kami. Ewan ko lang ah, pero parang gustong-gusto ko na tong tournament na to. Kahit na malaki ang posibilidad na matalo ako sa huli e nag-eenjoy ako sa mga nangyayari. HAHAHAHAHA Lamoyan!
Score recap:
L – 1... Oo one yan! May one point na ko wag kayo! Sabing may ONE POINT NA KO!
I – IIII
K – IIII
B – III
Tie pala ngayon si Kevin at Vano. Nako masama to. Kung magdudusa man ako, syempre mas gugustuhin ko nang magdusa sa mga kamay ng mahal ko no. HAHAHAHA LANDE!
Ang next game namin eh yung ano. Hindi ko alam kung anong eksaktong tawag sa larong to pero ito yung merong sasampa sa balikat ng isa tapos magtutulakan yung nasa taas, kung sinong unang matumba, talo. Sige tawagin na lang natin ito sa ngalang: Survival of the Fittest.
At dahil hindi naman pwedeng kaming mga babae ang magbubuhat at ang sagwa naman kung si Kevin at si Vano ang magpapatong, okay ang pangit ng term ko, napagdesisyunan namin na magkopong na lang kami ni Blaire tapos si Kevin at Vano.
“Guys no peeping!” reklamo ni Blaire nang magpatong na ang mga kamay namin at nanatiling nanonood sa’min sina Vano.
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----57th string-----
Magsimula sa umpisa
