Pagpapasensyahan niyo na ang aking pagbigkas sapagkat minsan ako ay nauutal.
May mga letra lamang sa aking sarili na hindi ko maayos na mabigkas.
Katulad nung araw na makilala kita, nauutal akong sabihin sa iyo na maganda ka.
Hanggang nauwi nalang ito sa pagtago sa sarili. Pero sa sarili ko na talagang maganda ka.
Lumipas ang mga araw na nakilala kita.
Minsan, ay hindi mo marinig ang aking tinig sapagkat ayokong magsalita.
Pero hindi sa totoo na ayokong magsalita sapagkat ayoko lamang mautal sa pagbigkas ng mga salita na dapat sasabihin sayo.
Hanggang nagkakaibigan tayo, at nararamdaman mong may gusto ako sayo.
Ngunit kahit isa sa mga salitang nagbubuo ng dalawang salitang gusto kita ay wala kang narinig. Sapagka't kahit ilang beses ko itong tangkaing bigkasin sa iyong harapan, nauuwi lamang ito sa pagkain ng salita.
Na napupunta sa puso at aking isipan.
Hanggang dumating ang punto na nanglalamig ka na, sapagkat sawa ka na hulaan ang aking galaw na para bang may tinatago ngunit di mo pa ba halata? Bat di ka magsalita? Wag mo sabihing natatakot ka rin, natatakot na mautal sa pagtanong kung may gusto ako sayo.
Hindi mo ba naramdaman na may problema ako sa pagbigkas, kaya di ako makapagsalita ng diretso sayo kasi ayokong mapahiya sa iba dahil lamang sa pautal na pagbigkas?
Pero wala na, tapos na.
Tapos na yung mga dapat nating sisimulan.
Nakakalungkot lamang na maagang nagtapos ang hindi pa nasisimulan.
Dahil sa pagutal na pagbigkas natapos ang maagang simula.
Pero tatapusin ko na ito gamit nang nauutal kong bibig, na nagsasabing " Salamat "
At nauutal na pusong na nauutal na nagsasabing " Mahal kita, Gusto kita. "
Na susundan ng nauutal na bibig, na nagsasabing " Pasensya ka na "
At nauutal na pusong na nauutal na nagsasabing " Pwede mo ba akong patawarin "
Pero ang una at huling malinaw na aking nabigkas sa iyong harapan ay " Tama na. "
