Ehem! Medyo natulala ako sa kapogian ng lalaking ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ehem! Medyo natulala ako sa kapogian ng lalaking ito. Napaka-aliwalas ng mukha. Hindi ko tuloy alam na naka-aro na pala ang kamay nito para makipagkamay sa akin. "Jade?"

"Huh? Oh sorry.. Yes hello Nathan." Bukal sa pusong tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. Mas pogi ito sa malapitan. Tiyak na maraming babae ang napapatili kapag dumadaan or nakikita ito. Hindi lang kasi siya pogi ang lakas rin ng dating niya.

"Inihatid ko lang ang kapatid ko. Gusto niya kasing makasama ang Kuya mo. Babalikan ko na lang siya bukas ng hapon para sunduin ulit siya."

"Teka bakit kailangang ikaw ang maghatid-sundo? Kung pwede naman siyang sunduin at ihatid ng Kuya ko sa inyo."

Napangiti siya sa tinuran ko. "I have two reasons Jade kaya ko ito ginagawa." Aniyang may pagmustra pa ng dalawang daliri.

"Two reasons?"

Tumango siya na hindi pa rin napapawi ang mga ngiti sa labi. "Hmm.. One is gusto kong makabawi sa lahat ng mga pagkukulang ko sa kapatid ko bilang Kuya niya."

"Hmm.. Owkei."

"Second reason is.." Pabitin niyang sabi na tila nag-iisip kung itutuloy.

"Is what?" Kuno't ang noo namang tanong ko sa kanya.

"Para.. I mean nagbabaka sakaling you know.. Uhm! Nagbabaka sakaling makita ulit ang matagal ko nang crush." Aniyang biglang nag-iwas ng tingin. Pansin ko rin ang bahagyang pamumula ng pinge niya. Natatawa ako kasi para siyang binatilyo na nahihiya sa crush niya. Super cute niya.

Bagaman hindi niya direktang sinabing ako ay alam kong ako ang tinutukoy niyang crush. Well may konting kilig dahil pogi siya. Pero siyempre hanggang kilig lang siya para sa akin. Dahil 💯% ay si Althea pa rin ang gusto ko.

"Ganon ba? So napagtagumpayan mo ba namang makita siya?" Natatawa kong biro sa kanya.

"Oo naman. Ang ganda-ganda nga niya eh kahit walang make up." Ganadong wika niya sabay sulyap ulit sa mukha ko at pagkatapos ay tinitigan ako. Medyo nakaramdam tuloy ako ng pagkailang sa kanya.

"Kuya Nate nandiyan ka pala. Akala ko umalis ka na eh."

Sabay kaming napalingon sa babaeng nagsalita. Nakangiting lumapit siya sa amin.

"Hi po!!" Bati nito sa akin sa masiglang tinig. Pasensya na po kayo kay Kuya Nate. Medyo may kakulitan po kasi yan."

"Grabe ka naman Ne! Nakikipag-usap lang makulit na?" Natatawang maktol ng binata sa kapatid niya. Ang sweet nilang tingnan parang kami lang ng Kuya Den ko. Ginulo pa nito ng bahagya ang buhok ng nakababatang kapatid.

"Okay lang Sussy at pwede ba! Huwag mo akong popoin kasi halos magkaedad lang naman tayo."

Nakakapanibagong hindi na si Ate Jen ang girlfriend ni Kuya. Kamusta na kaya siya ngayon? Napatawad na kaya niya si Kuya? Nalulungkot pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang masaya nilang relasyon noon ng kapatid ko. Kahit papaano ay napamahal na rin siya sa akin dahil napakabait niyang ate sa akin.

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now