Chapter 2

8 0 0
                                    

Dumaan ang mga araw.
Mga buwan.
Taon.
Nakalimutan na ni Zaia ang lalaking may itim na mga mata. Nakapag tapos na siya ng kolehiyo at nag ta trabaho malayo sa kanilang barrio.
Si Erol ay nagkaroon na ng kasintahan. Nagkaroon na din siya ng kasintahan. Si Lem. Mabait at pareho silang mahilig magbasa. Kaya lamang malayo sila sa isa't-isa. Nasa siyudad siya nag ta trabaho samantalang nagpa iwan ito sa probinsya. Isang araw nalaman na lamang niya na may iba na itong kasintahan. Umuwi siya para sa Christmas vacation. Doon niya nalaman na totoo nga na may iba na si Lem.
Umiyak siya, sa kanyang unang pagkabigo. Pagkatapos ng bagong taon ay muli siyang bumalik sa siyudad para mag trabaho. Bumalik na sa normal ang lahat pagkatapos ng mahabang bakasyon.
Sa paglipas ng panahon nakalimutan na ni Zaia ang masakit na dulot ng unang pagkabigo. Marahil dala ng karanasan niya sa una niyang kasintahan kaya siya natakot na makipag relasyon at magkaroon ng kasintahan. Ginugol na lamang niya ang kanyang pansin sa pag iipon, pag tulong sa kanyang magulang sa probinsya at ang kanyang pagbabasa.

Biyernes. Pagkagaling sa trabaho maagang nagluto at kumain si Zaia. May nabili siyang bagong libro. Ang plano niya ay magbasa magdamag. Pagkatapos kumain ay nag hilamos at nagbihis na siya ng pantulog. Dalawa lamang sila sa maliit na apartment na iyon.
Dalawang silid, ang kasama niya sa bahay ay wala pa.
Dahil Biyernes malamang ay late na iyon uuwi kung minsan ay di nauwi ng gabi at umaga na. Isinara na niya ang pintuan sa labas. May susi naman ito. Pumasok na siya sa silid niya. Isinara. Pagpihit niya paharap ay nasa ibang lugar na siya.

SPELLBOUNDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt