Kabanata XIII

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hi Bes!! Nice to meet you!" Malanding bati sa akin beki este Lance pala hehe.

"So ano? Join ka na sa amin?" Tanong ng babaeng nakabraid ang buhok with matching Hello Kitty na headband. Ang cute. Teka Sino nga ba ito? Abigail? Abi.. Abby. Oo tama Abby.

"Sure why not." Sagot ko

"Yeheyyyy!!" Hiyaw nilang Lima. Naglakad na muli kami saka dumeretso sa dorm. Tabi tabi din kami ng mga higaan.

Natawa naman ako dahil nagpupumilit si Lance na sa girls room sya matutulog pero syempre bawal kaya padabog syang bumaba hahahaha.

Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit at magbihis dumeretso na agad kami sa canteen para mananghalian. Kasama ko ngayon ang mga bagong friends ko. Yes, sila yung mga nagpakilala sa akin kanina and so far okay naman sila kasama masasaya silang kasama.

"Ayun dun tayo pumwesto sa dulo dali!" Turo ni Sam sa dulong pwesto dito sa canteen. Di na kami umangal kaya dun na kami pumwesto.

"Seriously girls, excited na talaga ako sa mga mangyayari today and for tomorrow!!" Excited na sabi ni Abby pagkaupo namin.

Magkakatabi kami ni Sam at Ella samantalang sa kaharap na upuan naman sila Abby, Lara at Lance. Habang hinahanda pa ang mga pagkain nagkwentuhan muna kami.

"Haynako kanina ko pa nililibot ang mata ko pero wala pa din akong nakikitang gwapo dito tsk." Masungit na sabi ni Ella.

"Girl, kanina may nakita akong gwapo!! Heartthrob ang datingan mga bes! Naka shades sya tapos ang angas nya maglakad!! Huhuhu crush ko na talaga sya!!" Kilig na kilig na kwento ni Lara sa amin halatang inggit na inggit naman sila Sam, Ella at Abby pfft.

Ako? Tsk wala akong interest sa mga boys. Actually sila nga ang may interest sa akin eh, well hindi naman sa pagmamayabang pero maganda kasi ako hmmm medyo kagawig ko si Kim Chui hahaha.

Medyo nilapit ni Lance ang mukha nya sa amin. Halatang may chika na naman si girly. "Wala kayo sa akin girls, bukod sa may nakita akong gwapo... Magkatabi pa ang higaan namin!!" Sigaw ni Lance.

Kumunot naman ang noo ko. "Ano naman itsura nung guy na sinasabi mo?" I asked. Na curious ako eh bakit ba hahaha.

He rolled his eyes. "Speaking of an angel.. Gwapong anghel." Nilayo nya ang mukha nya saka tumingin sa kung saan.

Kaya sinundan namin tingin ni Lance. Mabilis na nagreact ang mga girls. Totoo nga ang sinasabi ni Lance, isa nga syang anghel. Seryoso syang nakatingin sa paligid habang nakapamulsa, naghahanap siguro sya ng mauupuan. Yung mata nya ang pupungay, bumagay sa kanya an kulay ng balat. Maputi sya at kahit sa malayo kitang kita pa rin kung gaano katangos ang ilong nya. Gosh! Bakit ang gwapo ng lalaki na ito!?

"Girls feeling ko mas gwapo ito kaysa sa lalaking nakita ko kanina!!" Titig na titig pa din sya sa lalaking nakatayo.

"Kahit siguro titigan ko sya ng buong araw di ako magsasawa hays." Nakangalumbabang sabi ni Abby.

"Grabe no? Ang inosente nyang tignan para talaga syang anghel. Mukhang simpleng lalaki lang sya, hindi babaero, mukhang di manloloko... Jusko Ang perfect nya!" Puri naman ni Sam.

"Ano kayang pangalan nya? Tanungin kaya natin?" Tanong ni Ella sa amin. Napatingin naman kaming lima sa kanya.

Hindi na nila kailangang itanong pa dahil kilala ko naman sya. "Jaye.." Bigla silang napatingin dahil sa sinabi ko. ".. Jaye ang pangalan nya." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Kilala mo sya!?" Nakakagulat naman mga babaeng ito. Kailangan sabay sabay talaga magtanong?

"Ah eh kilala ko lang sya pero—"

Huling SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon