❝Pagsisisi❞
By: Cyline Aldea
Pagsisisi ay aking dama.
Nasasaktan at di masaya,
Iniisip ang kasalanang nagawa
At Ang taong minsan ng binalewala,
Ako sana'y patawarin
Sapagkat ako ang syang tunay na salarin
Kasalanan ko nama'y aking inaamin
Dahilan kung bakit ko nasaktan ang iyong damdamin
Sana lamang ako'y pagpasensyahan,
Sapagkat ika'y aking sobrang nasaktan
At totoong akin itong pinagsisihan
Alam kong ito rin ay aking kagagawan
Pagpasensyahan mo na ang aking mga nasabi
Tunay akong lubos na nagsisisi
Na ako sayo'y may pagkakamali
At sana ako'y humihiling na makabawi
Sayo ako'y naging masama
Patawarin mo ako sa mga sagot kong hindi tama
Tunay na ako sayo'y malupit
Kung kaya't pasensya na sa hatid kong sakit
Ikaw ay nag iisa lamang sa mundo
Hindi ko kakayaning ika'y maglaho
Kung kaya't patawad at ako'y pasaway
At salamat dahil ikaw ang aking naging kamay
Ako ma'y masungit at Hindi maintindihan,
Ugali ko ma'y pangit at may kasamaan,
Ako sana'y iyong pagpasensyahan
Sapagkat ako sayo'y may kasalanan
Maraming Salamat at Ako'y nabuhay,
Nasilayan ang mundong ka'y kulay
Nawa'y mabuhay kang may tibay.
Ako'y labis na nagsisisi inay.
ESTÁS LEYENDO
Sad Teens with Happy Faces pt.2
PoesíaHi friend! I'm so thankful if you will going to read this book! first of all i am not like other writers na tinatawag nilang "trash" ung mga works nila. Kasi for me every works is nice and worth it to read dahil after all pinaghirapan ito. So ayun p...
