"Okay babe. Do you need anything? Like water? Food?" Mabilis na pinuntahan ni Beatriz ang table kung saan nakalagay mga food nila. Nilagyan niya ng tubig ang baso ni Jhoana.

"Calm down, Bae. Relax ka lang please? Okay naman ako." Pilit na pagpapakalma ni Jhoana sa kanyang girlfriend.

"Nakakainis ka kasi! Ang tigas talaga ng ulo mo." Yun na lamang ang nasabi ni Beatriz.

"Sorry na, Beatriz. Okay naman na ako eh." Sabi ni Jhoana na ngayon ay hawak na ang kamay ni Beatriz.

Beatriz just rolled her eyes and looked away.

"Bei, look at me po please?" Tawag ni Jho sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. "Baby, please?"

Beatriz faced her and she moved closer to Jhoana while holding her hand.

"I'm so sorry for worrying you." Jhoana said while kissing Beatriz' cheeks.

Umiling naman si Beatriz at maya - maya ay tumutulo na ang kanyang luha.

"Gets ko na, Jho." She said in between her sobs kaya napakunot naman ang noo ni Jhoana.

"Bei?"

"Gets ko na yung sinabi mo na you'll be the death of me. Naintindihan ko lahat nung sinabi na dinala ka sa hospital. Parang a part of me died. Sobrang natakot ako, Jho. Lahat kami alam lang sinugod ka sa hospital. Walang reason na sinabi kung bakit."

"Baby, okay na ako. Please stop crying na." Jho flashed her cheeky smile to Beatriz.

"Please, wag mo i-overwork sarili mo during trainings." Umiiyak na sinabi ni Beatriz habang nakatingin siya diretso sa mga mata ni Jhoana. Wala naman nagawa si Jho kundi um-oo sa kanyang girlfriend.

Ngayon lang niya nakita na umiyak ang kanyang girlfriend.

"I'll do the same, Babe. From now on, I will make time to have a rest. I don't like you to worry like the last time. But please, sana ikaw din. Kasi I don't know what will happen to me if something bad happens to you. Hindi ko kakayanin." Jhoana just nod to Beatriz. Gets naman niya ang sinasabi ng kanyang girlfriend.

"I promise, Babe. Tama na iyak. Sumasakit puso ko kapag nakikita kitang ganyan eh." Jho said while wiping Beatriz' tears.

"You told me before that we are working on our future. Pero what if something happens to one of us? Maybe we should take a break." Sabi ni Beatriz.

"Okay, sige. After all my work and volleyball commitment next month, let's go to Bali?" Nakangiting sabi ni Jhoana para maalis ang worries ni Beatriz.

"For real na ba yan? Baka mamaya start na ulit ng project niyo sa work, Babe."

"I swear! I think we really need a break. Work and volleyball life was pretty intense this year." Jhoana said while leaving small kisses to Beatriz' forehead. "Besides, kaya ko naman sana mapakiusapan si Ms. Razel about it di ba? Mukhang gusto nga niya pagpahingahin ka eh."

"Okay Babe. Promise yan ha? Wala nang bawian ah."

"Yes, Beatriz my love, I promise po." Beatriz just put her head on Jhoana's chest.

Hindi umiimik si Beatriz ng ilang sandali at biglang napabuntong hininga. Jhoana could still feel that Beatriz' is still not okay kaya naman tinapik niya ang balikat nito.

"Tell me what's wrong." Pakiusap ni Jhoana kay Beatriz pero tinitigan lang siya nito.

"Babe, come on. Tell me."

"It's nothing."

"Hindi yan wala lang Babe. Ramdam ko na it's eating you inside."

Beatriz just looked at her and gave her a small smile before giving her phone to Jhoana. Agad naman kinuha ni Jhoana ang phone at nabasa ang isang screenshot ng tweet. She just let out a sigh after reading the tweet.

"We both know naman that they'll never understand everything. I hate seeing you like this, Bei." Paglalambing ni Jho.

"Ang annoying kasi. Anong gusto nila? Pabayaan kita. Wala naman parents mo ngayon sa Manila." Iritang sagot ni Beatriz habang natawa naman si Jhoana sa tantrums niya.

"Hayaan mo na sila. Wala naman silang alam eh." Sagot ni Jho at hinalikan ang noo ni Beatriz.

"Love na love ko kaya ang Baby ko. Smile ka na please?" Pangungulit ni Jhoana. Ganito niya usually lambingin si Beatriz kapag may nababasa siyang hate messages. Nasasaktan siya para sa kanya pero kailangan matutunan ni Beatriz na balewalain na lang ito.

"Thank you for being here, Beatriz. Promise, hindi na mauulit ito. I'll be more careful next time. I'll take care of myself para sa atin."

"You know that I can't afford to ignore you. I'll always be here to take care of you."

"I know that, Beatriz. Alam mong hindi din kita kayang pabayaan. You're my main priority. Alam kong priority mo rin ako, same with you and it couldn't have it in any other way. I love you. Alam mo naman na whenever I'm feeling down, sa'yo ako humuhugot ng lakas. I hate seeing you being affected with your bashers kasi hindi naman nila kilala kung sino talaga si Bea De Leon. They don't know you inside and outside like I do. Believe me Beatriz, maraming nagmamahal sa'yo." At doon na tuluyang umiyak si Beatriz.

"I love you."

"I love you too, Jhoana."




EYYYY! Belated happy birthday Beatriz! ❤️😊

FRIDAYS (JhoBea)Where stories live. Discover now