Priorities First

Começar do início
                                    

She settled for a seat beside Jhoana's bed. Kanya-kanyang bati naman ang ibang teammates ni Bea sa kanyang family.

"Is she okay?" Beatriz asked her dad before looking at Jhoana.

"Nagpumilit pa maglaro si Bunso kahit inaapoy na ng lagnat. Hindi kinaya ng katawan niya noong game na nila." Sagot ni Elmer. Napailing na lang si Beatriz. Typical Jhoana. Hindi nagsasabi kapag may sakit siya or may masakit sa kanya. Hanggang kaya niya, titiisin niya talaga.

"Hay nako bes. Parehas naman pala kayo ni Jhow eh. Tigas ulo niyo both." Sabi ni Maki na kakarating lamang. Natawa naman ang parents ni Beatriz at yung mga teammates niya.

"Sarap iumpog no? Para matauhan." Sabi naman ni Ms. Razel. Saksi kasi ito sa katigasan ng ulo ni Beatriz for almost 4 years na rin.

Nagtawanan na lang ang mga teammates niya at nagpaalam na rin ilang sandali makalipas.

"Bei, maiwan ka na namin dito ha. Okay lang kahit di ka pa makapagtraining this week para mabantayan mo si Jhoana." Sabi ni Jaja, team captain nila sa Foton.

"Uuwi na rin kami ng Mama mo, Isabel. Para mahatid na sa bahay yung ibang gamit mo." Tumayo naman si Beatriz para yumakap sa parents niya.

"Magpahinga ka rin Bei." Sabi ni Maki at yumakap ito dito.

"I will. Thank you." Sabay beso kay Maki.

"Ate Razel, thank you talaga." Sabi ni Beatriz sa kanilang team manager.

"Anything for you and Jhoana. Sige na, magpahinga ka na rin. Magpadeliver ka na lang ng food mamaya para sa inyo ni Jhoana. I'll just text you the details of your trainings and scheduled interviews." Dagdag nito at yumakap na rin bago umalis.

After saying their goodbyes and constant exchanges of bilin, naiwan si Beatriz kasama si Jhoana na natutulog pa rin. Minabuti ni Beatriz na icheck ang mga reaction ng mga tao sa biglaan niyang pag-alis sa event.

As expected, marami mang nakaintindi, may ilan pa rin na maraming sinasabi. Mayroon din kasing nakakita sa kanya na nandito siya sa hospital at pinuntahan niya si Jhoana. May iba pang nagsabi na may inatupag niya pa si Jhoana kaysa sa exhibition game.

She was scrolling through her mentions until she saw a tweet that really messed her up.

It says from "@rndmVBfan: di ka na naawa sa mga fans mong dumayo pa sa Davao para makita ka @_beadel. Porket sikat ka na, di ka na marunong tumanaw ng utang ng loob sa mga fans mo. Sayang lang pagmamahal nila sayo. Wala kang kwenta."

Sanay naman siyang makabasa ng ganung hate tweets or matawag na mayabang and all. Pero iba yung ngayon. Hindi niya alam kung bakit sobrang apektado siya. Na hindi na niya napigilan ang luha niya at napaiyak na siya.

Nagsabay-sabay na rin siguro lahat ng nararamdaman niya: pagod, puyat, pag-aalala, takot at pagkadismaya.

Hawak niya ang kamay ni Jhoana habang nakayuko siyang umiiyak sa tabi nito.



Napangiti si Jhoana ng makita niya si Bea. She's using her free hand to caress Bea's hair and cheeks. Halos 30 minutes na rin niyang pinagmamasdan si Beatriz pero ang sarap pa rin ng tulog nito.

"Kawawa naman ang baby ko." Yun na lang nasabi ni Jhoana kasi mukhang pagod na pagod si Beatriz.

Ilang sandali pa, naramdaman ata ni Beatriz na nagising na si Jhoana. Agad siyang napatayo at tinanong agad si Jhoana na "Hey! You're awake na! How are you feeling? I'll just call the nurse."

"No need, babe." Sabi naman ni Jho.

"Eh kailangan nila icheck —" Jho cut her off, "Okay na Beatriz. Kakapunta lang nila dito." She smiled at Beatriz giving her assurance.

FRIDAYS (JhoBea)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora