Mga taong iyong maaasahan
Sayong kalungkutan lagi mo silang masasandalan
Umaraw man o umulan laging nandyan
Gagawin ang lahat mapasaya ka lang
Sila ang aking mga magulang
Madalas ako'y kanilang napagsasabihan
Marahil ako'y may nagawang kamalian
Minsan ako ay nasasaktan
Ngunit alam ko namang itoy para sa aking kabutihan
At sa napakagandang kinabukasan.
Ang ilaw ng tahanan ang aking ina
Kami ay inaalagaan ng buong sigla
Walang kapaguran sa paglilinis ng bahay
Kaya mamahalin ko sya habambuhay
Buhok ko ma'y mawalan ng kulay
Ang ama naman ang haligi
Na di na iniisip ang sarali
Para mapakain lang kami
Tulad ng aming ina mahal na mahal nya kami
At pinapangako ko sa pagtanda nila ako ang hahalili.
YOU ARE READING
POEMS
PoetryTry lang hahaha. Don't expect di po ako magaling at di po talaga ako writer hahaha. I-publish ko daw sabi ng mga kaibigan ko kahit di naman maganda gawa ko😅😂 About: God. Love. Kadramahan. Hugot. Life. or ANYTHING.
