sabay-sabay nilang sabi sa tonong kinakabahan habang naghihintay sa susunod kong sasabihin.  

 "Kaya binato ko siya ng bato sa ulo tapos sinuntok ko siya. "

  "Ano?!"

    

   Nanlaki ang mga mata nila na para bang hindi nila ako kilala dahil sa ginawa ko. Sa tinagal na naming mag-kakaibigan ay alam na nila ang ugali ko, nanununtok ako kapag ginagalit ako pero sa kinuwento ko ay parang gulat na gulat pa sila.

   "Oh eh anong magagawa ko eh ayaw ibigay ng shokoy na 'yon ang--------"

  "Shokoy?!"

  Nagduet na naman ang apat sa pagsigaw.

 "Oo. Mestisong shokoy pa nga eh. Oh diba ang gandang endearment non sa lalaking saksakan ng yabang na 'yon."

  Nagulat ako ng biglang inalog-alog ni Nomer ang balikat ko.

  "Hindi mo siya kilala George! Ang taong 'yon.... ang taong 'yon ang li-----------"

    Hindi na natapos pa ni Nomer ang sasabihin dahil nagpatong-patong na ang palad ng tatlo sa bibig niya para lang hindi niya matuloy ang sasabihin pa sana niya. Hinila siya ng mga 'to palayo sakin at bumuo ng bilog habang magkaka-akbay. Nakatalikod sila sakin na tila ba bumubuo ng plano.

  "Ano nang gagawin natin? Dito na lang kaya tayo tumira sa loob ng campus. Mas safe pa dito kesa sa labas."

   ani Jepoy.

 "Oo nga. Baka paglabas natin mamayang awasan may sumalubong ng kahoy sa mukha natin. Ayokong pumasok ng may black eye. Ayokong magmukang panda!"

   si Nomer.

"Ganito gawin natin mga pare."

      saad ni Redkert na animo'y tumatayong boss.

Lalo silang lumapit sa isa't-isa para magkarinigan.

 "Mamayang uwian, sabay-sabay tayong lalabas. Walang iwanan, walang takbuhan, naintindihan niyo? Sama-sama tayo. Dun tayo tutulog sa bahay namin."

    ani Redkert.

 "Tama. Good idea. Till death do us part."

   pag-sang-ayon ni Adrian at pagdaka'y pinagpatong-patong nila ang mga palad nila tanda ng teamwork.

    Aalis na sana silang apat nang bigla ko silang tawagin.

"Aalis kayo nang wala man lang kinukwento sakin? Hoy, ano nga? Sino ba talaga ang shokoy na Lark na  'yon?"

    Muli, nanlaki ang mga mata nila at sabay-sabay na tumingin sa paligid, tinitiyak kung may nakarinig sakin. Nang mapagtanto nilang wala naman ay kumaripas na sila ng takbo na tila gusto nila akong iwasan.

When Lesbian Meets the GangsterWhere stories live. Discover now