Itoy isang kwentong hango sa tunay na buhay.kwentong magbibigay inspirasyon at gintong aral sa mga taong pusong manhid at bato sa pagmamahal.
Minsan may mga bagay na mahirap paniwalaan at intindihin dahil sa itoy hindi mo inaasahan na dapat mangyari.pangyayaring magbibigay katanungan sayong matahimik na isipan,sa mga bagay na biglang nangyari at dumarating ng di mo inaasahan at ikay susubukin kung hanggang saan ang iyong tibay sa mga ito.
Tunghayan ang kwentong ito:
Sa bayan ng San Fernando may isang dalaga na nagngangalang zyline di nya nais umibig sapagkat takot syang masaktan at takot siya sa mga bagay na magbibigay sa kanya ng kahihiyan o kasiraan sa kanyang pagkatao.si zyline ay isang babaeng may pagka-ugaling di kaaya-aya.pag uugaling kinaiinisan ng iba.si zyline ay isang babaeng pintasera at may kasamaang pag-uugali.kaya naman sa kanilang lugar ay may isang binata na nagngangalang jervic na sobrang kinaiinisan at kinabubuwisitan ng dalaga sa tuwing makikita nya ito at makakasalubong sa daan.at palagi nyang pinagtatawanan ang binata kahit wala namang dapat ikatawa sa itchura nito.ngunit ang mabait na binata ay binabale wala lang siya nito at di pinapansin,na lalong kinaaasar ng dalaga sapagkat alam ng binata na wala ding mangyayari kung papatulan nya ang dalagang ito.hanggang sa dumating na ang dalaga ay biglang nagbago ang nararamdaman sa binata ang dating pagtinging may panghuhusga at paglalait ay napalitan ng kakaibang damdaming di nya maintindihan.damdaming nagbigay kaguluhan sa kanyang pag iisip at puso na pilit nya nilalabanan at dinidinay sa sarili na ang nararamdaman ay hindi totoo,sapagkat ayaw nya sa binatang ito.
Ngunit di nya mapipigilan ang silakbo ng kanyang damdamin para sa binata at hanggang dumating sa puntong ang binata'y may napuna na kakaiba sa pagbabago ng dalaga.sapagkat ang dating mapanghusgang pagtingin ay parang nag iba at napalitan ng kakaibang pagtingin,na lubusang pinagtataka ng binata ang biglaang pagbabago nito.at sabay tanong sa sarili
Jervic-"parang may kakaiba sa babaing ito para bang may lihim siyang pagtingin na di ko mawari kung totoo,di kaya nagkakagusto na ata sa akin sya,bakit ganyan ang mga titig nya sa akin para talagang kakaiba." Tanong ng binata sa sarili na may pagtataka.
Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin ang pagmamasid ng binata sa dalaga dahil sa unti-unting pagbabago nito na sa tingin nya ay may nabubuo ng kakaibang damdamin ang dalaga para sa kanya,na kanyang lihim na pinagtawanan.at wika nito sa sarili.
Jervic-"ha! Parang nagkakagusto siya talaga sa akin dahil nakakapanibago ang mga kilos nya.hahahaha! yan buti nga sa kanya,At nahulog sya sa akin mapanglait kase".sabi ng binata sa sarili na may kasamang hinanakit sa dalaga.ngunit ang dalaga ay maingat nyang tinatago sa binata ang nararamdaman nya para dito sapagkat sa tingin nya ay pagtatawanan sya at huhusgahan nito,ngunit ang di alam ng dalaga na nararamdaman at may alam na ang binata sa lihim na pagtingin nya para dito.at sambit sa sarili.
Zyline-"Hindi nya dapat malaman na nahulog ako sa kanya dahil na kakahiya at ayokong isipin nya na mataray akong babae.bakit ba kase,bigla akong nagkagusto sa kanya,eh! Mortal kong hate na tao siya so I didn't expect this feeling I have and I don't know how to stop this,lord pls.help me I do anything basta mapabago nyo lang ang feelings ko para sa kanya.and I hate this lord,lord forgive me for what I've done and lord pls.help me to change this feeling I have"wika ng dalaga ngunit sadyang malupit ang tadhana para sa kanya at di nya matatakasan ang nararamdaman nya sa binata bagkos mas lalong tumitindi ang silakbo ng damdamin nya para dito.kaya naman sa kabila ng nararamdaman ng dalaga,ang di nya alam na ang binata ay pilit nag aadjust at inuunawa ang nabubuong pagtingin ng dalaga sa kanya at nagkukunwaring walang nalalaman dahil ayaw nyang iparamdam sa dalaga na mapahiya ito.mabuting tao si jervic at may malawak na pang unawa at ayaw nyang makasakit ng damdamin ng iba kaya kahit inaliposta siya nito noon ay ayaw nyang gantihan ito dahil malaki ang respeto nya sa mga kababaihan.ngunit sa kabila ng pagpapanggap ng binata na walang nalalaman sa lihim na pagtingin ng dalaga ay patuloy pa rin nyang inoobserbahan ang biglaang pagbabago nito.at isang araw,ay biglaang napapasyal sa bahay ng binata ang kaibigan niyang si jude at silay nag inuman at nagkwentuhan at sabay napadaan ang dalaga at nakita ng binata at sabay turo nito sa kaibigan.
Jervic-pre! Iyon ang kinukuwento ko sa iyo.
Jude-sino dyn?
Jervic-yun oh! Yung nagdaan dito.
Jude-ah! Siya ba?
May itchura siya ha!
Bakit pre,inaasar ka pa rin ba nya?
Jervic-am! Di naman na pre,dahil pakiramdam ko sa babaeng yan ay may gusto na ata sa akin.nahulog ata sa akin pre."
Sabay tawa nito.at wika ni jude
Jude-ganyan talaga pre the more you hate is the more you love.eh! Ibig sabihin yon pre, malakas apil mo sa kanya,kung totoo ngang nagkakagusto siya sa iyo.bakit pre nagkakagusto ka narin ba sa kanya?
Tanong ni Jude sa kaibigan.
Jervic-hahaha! sori siya,pero di ko siya type.
Wika ng binata sa kaibigan.hanggang sa matapos na ang kanilang inuman at parehas na silang may amats kaya nagpasya na silang tapusin na ang inuman.
At lumipas pa ang mga araw,sa di sinasadyang pagkakataon nagkasalubong ang dalaga at binata sa daan at nakatitigan ang kanilang mga mata ng di inaasahan.at biglang kumabog ng malakas ang puso ng dalaga at di nya mapigil ang pagkabog nito.pilit iniiwasan ng dalaga ang mga titig ng binata nawari bang may ibig itanong sa kanya at animo'y tinutukso siya ng mga titig nito.
At nang siya'y makalayo sa binata dun lang siya nakahinga ng maayos.at wika ng dalaga.
Zyline-hay! Salamat nakahinga din ako ng maluwag.bakit kaya siya ganun tumitig sa akin,alam kaya nya na may pagtingin ako sa kanya.but I think di naman siguro dahil di ko naman pinakikita sa kanya at parang di ata maganda kung magkakagusto ako sa kanya.huh?
Ano ba to,nasisiraan na ata ako ng ulo.wika ng dalaga sa sarili.
Hanggang dumating sa punto na magkaroon ng interest ang binata na alamin Kung tunay na may lihim na pagtingin ang dalaga sa kanya.at patuloy nya pa rin itong inoobserbahan sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata ng dalaga.ngunit ang dalaga ay patuloy parin sa pagpapanggap at pagdededma ng mga titig ng binata upang di mahalata na gusto nya na ito kaya naman sa tuwing makakasalubong nya ang binata ay sinisimangutan nya ito at tinititigan ng masama upang sa ganun ay di mahalata ng binata na,gusto na nya ito at palagi nya itong dinidistruct sa pamamagitan ng pagpapakita ng masasamang pag uugali upang sa ganun ay madissapointed ang binata sa kanya.pero kahit anong gawin nyang pagpapanggap ay halata parin siya nito at alam ng binata na ayaw ipakita ng dalaga ang pagtingin nya dito.at sambit ng binata sa sarili.
Jervic-kahit anong klaseng pagpapanggap ang gawin nya ay halata pa rin siya na may gusto sa akin dahil sa kakaibang kinikilos nya at iniiwasan niya ang mga titig ko.
Wika ng binata sa sarili na animo'y natatawa.
Ngunit ang dalaga ay patuloy pa rin sa pagpapanggap upang di mahalata ang nabubuong damdamin para sa binata. At wika nito
Zyline-kailangan Kong itago itong nararamdaman ko para sa kanya at ayokong mapansin nya ang mga kakaibang kilos ko.atsaka di kami bagay sa isa't isa kaya malabong maging kami dahil Hindi ako ang tipo ng babae na magugustuhan nya dahil mortal kaming magkaaway.at alam Kong hate nya rin ako kaya mas mabuti pang itago ko na lang itong nararamdaman ko para sa kanya dahil mawawala din ito at lilipas din,at ayokong may makaalam pa nito dahil nakakahiya at ayoko rin na malaman pa nya ito dahil baka asarin nya pa ako at husgahan."Wika ng dalaga sa sarili.
Kaya naman kahit anong klaseng pagpapanggap ang gawin ng dalaga ay nahahalata pa rin siya nito.at gustuhin man ng dalaga na ngitian ang binata sa tuwing makikita't makakasalubong upang pawiin ang inis at galit ng binata,ngunit di maaari sapagkat ayaw niyang ipahalata ang damdamin nya para sa binata at iniingatan niya itong di mahalata dahil sa tingin at pakiramdam nya ay may nalalaman na ito.kaya naman ang binatang si jervic ay lubusan ding nagpapanggap at kahit alam ng binata ang lihim na pagtingin ng dalaga ay pinipilit niyang bigyan ng ngiti ito sa tuwing makakasalubong at makikita ang dalaga ngunit sa kabila ng kanyang pagbigay ngiti sa dalaga ay di parin syang makuhang ngitian nito bagkos sinisimangutan pa sya nito at tinititigan ng masama.kaya naman ang binatang nagpakita ng kabutihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng simpling ngiti sa dalaga ay nadismaya ngunit pinipilit pa rin nya itong hagipin ng kanyang malawak na pang-unawa ang masamang pinakita sa kanya ng dalaga.
YOU ARE READING
What The Eyes Means To Say
RomanceA story of a girl who fall in love to her enemy guy and she don't know how to stop her feelings for that guy so she ask her self about it, and saying, how this things happen?
