We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

ATBP

161 4 3
                                        


Kanina napadaan kami sa palengke,ibinaba ko ang salamin ng aming sinasakyan at
Nakita ko ang nakahilerang mga halamang panggamot na may karatulang mabisang gamot sa
Rayuma,hika,pasma at atbp.

Andito pala ang matagal ko nang hinahanap.

Dati akala ko pwede ang mefenamic acid
Mali pala dahil ako'y nagiging manhid.

Ang atbp...
Ito ang gamot
Sa nagdurugong puso.

Simula sa pagkawasak
Matagal na panahon kong ininda ang sakit.

Ang sakit na tila ba'y wala ng lunas.
at sa pagpatak ng bawat sandali ako'y nalulunod sa agos ng luha.

Tulad ngayon...

Naalala ko ang nais kong makalimutan
At nakalimutan ko ang nais kong maalala.

Iba talaga ang epekto ng ulan at malakas na hangin sa akin,
Inaanod ako sa nakaraan.

Ngunit habang napapagod sa pagkampay,nakita ko ang gamot sa aking nararamdaman.

Ang gamot na matagal ko'ng hinanap at inaasam...

ikaw.
©Dagat Payapa
Moonjazz2816(1984)

MGA SUGAT NG PAGLALAYAGStories to obsess over. Discover now