"Hello po, sir." bati ni Kai nang pumwesto kaming dalawa ni Sir Raymond sa tabi n'ya.

Nangangarap na naman ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aming professor. Ngumiti sa kanya si Sir Raymond saka tinapik ng dalawang beses ang kanyang balikat.

"Ipanalo mo ang first game, Ms. Sandoval. I am rooting for you." wika ni Sir.

Lumapit si Sir kay Ma'am Janice para iabot ang list ng players kaya naman halos bugbugin ako ni Kai nang maiwan na kaming dalawa.

"Narinig mo ba iyon, friend? Grabe kilig na kilig na kilig na kilig na kilig ako! Oh my gosh!" aniya na tila tumitirik pa ang mata.

"O ayan motivated ka na. 'Wag ka nang mainggit sa ibang teams." saad ko.

"Hindi na talaga dahil tatalunin ko silang lahat. Ayoko namang biguin si Sir 'noh. Eh kasi nga he is rooting for me." maarte n'yang sinabi sabay wave ng buhok.

"Go Yellow Team! Fight Yellow Team!" napatalon ako sa kinatatayuan ko nang bigla na lang nagsigawan ang mga tao sa paligid ko.

Doon ko lang napagtanto na simula na pala ng cheerdance kaya naman mas dumami at mas umingay na ang mga tao sa gym.

"Go, Mary Lu! Galingan mo." sigaw ni Kai na ngayon ay mukhang inspired na inspired.

Kinuha ko ang aking camcorder sa bag ko. Naalala kong kukunan ko nga pala ng video si Ate Karissa dahil hindi makakapanuod si Kuya Ace.

"Eksena talaga 'yang si Karissa. Panira ng araw." wika ni Kai habang pinapanuod ang lifting kay Ate K.

"Magaling naman s'ya ah." sambit ko.

"I know. Pero masyado s'yang papansin kaya nakakainis. Bakit kasi s'ya pa ang head cheerleader eh pwede namang si Mary Lu o kaya si Yvette."

Nakatingala ako habang pinapanuod s'yang graceful na nagpoproject sa itaas ng pyramid. Kung tutuusin hindi naman n'ya kailangang magpapansin pa dahil kapansinpansin naman talaga s'ya. She's too beautiful at hindi na kailangan ng effort.

"Go, baby!"

Mabilis na tumibok ang puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Lumingon lingon ako sa paligid at nakita ko si Kuya Ace na nakatayo sa gilid habang may dalang isang bouquet ng bulaklak.

"When the one that you love is rooting for someone else..." wika ni Kai saka gumawa ng isang meme face.

Inirapan ko s'ya saka kumaway kay Kuya Ace nang mapasulyap s'ya sa direksyon namin. Hinawi n'ya ang paligid saka sumiksik sa mga nanunuod para pumwesto sa aking tabi.

"Sayang hindi ko nasimulan." bungad n'ya.

"Okay lang... may video ako. Akala ko kasi hindi ka na makakarating." inabot ko sa kanya ang camcorder saka siniko si Kai na kanina pang bulong ng bulong sa gilid ko.

Pagkatapos ng performance nila nagpaalam si Kuya Ace sa akin na pupuntahan n'ya si Karissa. Mabuti na lang hindi s'ya nakakahalata sa mga pinagpuputak nitong si Kai kundi malalagot talaga ang babaitang ito sa akin.

"Ang galing naman ng girlfriend ko. Nakakaproud..." salubong ni Japs kay Mary Loise.

Pinahiran n'ya ng pawis ang mukha ni Mary Lu saka inabutan ito ng bottled water.

"Nasaan ang camera mo? Picture tayo..." tanong ni Mary Lu.

"Wait... kukunin ko lang kay Kuya Ace." pumunta ako sa back stage para puntahan siya.

Nakasalubong ko ang mga kaibigan ni Ate Karissa na pawang mga cheerleaders din. Sumilip ako siwang ng pintuan at nadiskubreng sila na lang dalawa ang naiwan roon. Nakapamewang si Ate Karissa at nakatalikod naman si Kuya Ace sa akin.

"Hindi ba sabi ko 'wag ka nang pupunta dito?" matigas na wika ni Ate Karissa.

"Ano namang masama kung manuod ako? Iyong ginawa namin nina Earl noon, matagal na 'yun. Nakalimutan na 'yun ng school. Atsaka I just want to support you. Girlfriend kita kaya s'yempre gusto kong makita ang pinaghirapan n'yo. Bakit ka ba nagagalit?"

Bumuntong hininga si Ate Karissa at matalim s'yang tiningnan. Hindi ko maintindihan kung ano ang nakakagalit sa ginawa ni Kuya Ace. I don't see any problem kung pumunta s'ya dito.

"Because I don't want you here. Ang linaw ng usapan natin, Ace. Gusto ko ng space. Mahirap bang intindihin iyon?"

"So, lumabas rin ang totoong dahilan. Bawal akong pumunta dahil ayaw mo. Hindi dahil hindi pwede. You see ang babaw mo. Ilang space pa ba ang kailangan mo ha!?"

Napahawak ako sa puso ko nang marinig ko ang sigaw n'ya. Ito ata ang unang beses na makita ko s'yang ganito kagalit.

"Ace, ayoko na..." tumungo si Ate Karissa at sinabi ang mga salitang iyon nang hindi man lang tumitingin sa mga mata n'ya.

"Ano? Anong sabi mo?"

Lumapit sa kanya si Kuya Ace at hinawakan ang magkabila n'yang balikat. Mas mahina ang boses n'ya ngayon at mababakas dito ang lungkot at panghihinayang.

"Ayoko na sa'yo. Ayoko na sa relasyong ito. Tama na, Ace. Hindi na kita mahal."

Pumikit ako at kinuyom ang aking kamao para pigilan ang sarili kong makialam. Gusto ko sana s'yang lapitan para pagaanin ang loob n'ya ngunit hindi ito ang tamang pagkakataon.

Baka naman maayos pa nila. Baka naman kaya pa...

Seven LightyearsWhere stories live. Discover now