Bitbit ang mga handouts niya na nakarolyo at nakasuksok lang sa bulsa ng hoodie niya dahil makulimlim naman, lumabas na siya ng bahay at nagsimulang maglakad papunta sa sakayan ng tricycle nang mapansin niya ang isang babae na hirap na hirap na sa pagpukpok niya ng wrench sa isang gripo. Napalakas yata masyado ang pagpukpok nito kaya mas lalong lumakas ang pag-tagas ng tubig at diretso ang pagtama sa mukha niya, pero natawa nalang ito at umupo sa damuhan habang pinababayaan ang sariling mabasa.

Kumunot naman ang noo ni Vice at nag-aalangang lumapit sa tapat-bahay. “Hi. Kailangan mo ba ng tulong dyan?” tanong niya sa babae at tinuro ang sirang gripo.

“Okay lang ba? Paalis ka na yata eh. Okay lang, thank you.” sagot nito at nginitian siya.

“Hindi, okay lang naman. Akin na yan.” inabot ni Vice ang wrench at hinubad ang suot niyang hoodie at isinabit sa gate. May manipis naman siyang shirt sa loob. Sinimulan na niyang higpitan ang gripo at humingi ng seal sa babae.

“Uy thank you ha. Pinapaayos ko kasi yan kay Dong kaso wala pa siyang oras para gawin eh.” sabi ng babae habang pinapanood si Vice na basang-basa na ang mukha sa talsik ng tubig.

“Wala yon. That’s what neighbors are for.” binuksan niya ang gripo para tignan kung may leak parin ba pero wala na. “Oh, okay na ‘to.” tumayo na siya para kunin ang hoodie niya.

“Oo nga pala, Karylle. Or K nalang.” pagpapakilala ng babae at inabot ang kamay niya kay Vice.

Kinuha naman ito ni Vice at nginitian ang babae. “Vice.”

“Teka, ikukuha kita ng towel sa loob. Wait lang ha. Dyan ka lang!”

Papasok na sana si K sa loob ng bahay nila nang pigilan siya ni Vice. “Hindi, wag na. Dyan lang naman ako sa tapat nakatira, magpapalit nalang ako. Sige na magpalit ka narin, baka magkasakit ka.”

“Sure ka okay ka lang? Uy thank you talaga.”

“Wala yun.”

Paalis na sana si Vice at papasok naman sa bahay si Karylle nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at mas lalo lang silang nabasa pareho. Nagkatinginan nalang silang dalawa at natawa sa nangyayari. Dahil basa narin naman siya, nagpaikot ikot nalang si Karylle habang sinasalo ang patak ng ulan sa mukha niya. Pinanonood lang siya ni Vice at hindi niya maiwasang mapansin ang magandang kurba nito dahil nakadikit na ang damit ni K sa sobrang pagkabasa niya. Napailing naman si Vice sa iniisip. May asawa na yan.

Naalala bigla ni Vice ang handouts na nasa hoodie niya. Napansin ni K ang papel na hawak hawak nito na hindi naman sobrang basa kaya hinatak niya papasok si Vice sa may lilim sa tapat ng pinto ng bahay. “Hala sa trabaho mo ba ‘to? Sorry talaga.”

Umiling-iling naman si Vice habang hawak parin ang mga papel. “Okay lang, okay lang yun. Hindi naman masyadong importante yan.” Para sa exam ko lang naman, pero okay lang.

“Ida-dryer ko nalang yan, dito ka nalang muna. Dali, pasok.” hinatak na ulit siya ni Karylle papasok ng bahay at nagpatigil naman siya sa may rug.

“Uy wag na, magbabasa-basa pa dyan sa bahay niyo.”

“Eh papasok din naman ako mababasa talaga yan. Tsaka wala naman akong ibang ginagawa dito kung hindi maglinis no. Kahit hindi pa yan madumi, lilinisin ko parin yan.” natatawang sinabi ni K at iniwan na siya doon at pumasok sa isang kwarto. Paglabas niya, may dala na siyang dalawang towels at inabot ang isa kay Vice habang pinupunasan din ang sarili niya.

“Bigla rin naman kasing buhos ng ulan, di man lang umambon muna. Upo ka sa sahig, okay lang yan.”

Pumasok na naman ng kwarto si K at may hawak na siyang hair dryer paglabas. Tumabi siya kay Vice na nakaupo sa sahig at sinimulan nang patuyuin ang mga papel ni Vice. Pinilit naman ni Vice na agawin ang blower sakanya pero ayaw ni Karylle na mukhang nag-eenjoy pa sa ginagawa niya kaya hinayaan nalang niya.

Half-truths | Vicerylle OneshotsWhere stories live. Discover now