Kaya pagbilang ko ng tatlo
Sasabihin mo ang totoo
Isa dalawa tatlo...
"Minahal mo ba talaga ako?"
Ayoko na makipaglaro
Dahil gusto ko nang magseryoso
Kung kahinaan ay tinatago
Sumasakit na ang puso
Kaya pwede ba ibigay mo ang ang aking gusto?
ISA!!!
Ayoko na ulit mabalewala
Kaya sabihin mo na ang problema
Dahil ang sasabihin mo ay mahalaga
At ayokong mga pinagsamahan ay bigla nalang maging bula
Dalawa!!!
Di na matatangi pa
Alam kong nararamdaman mo na
Ang pag-ibig sa isa't isa ay di na gumagana
Dahil Peke pala ang iyong pinapakita
TATLO!!!
Tatlo,Three,Third,Pangatlo kahit na ano pa ang tawag dito
Ang nasa isip ay di na magbabago
Alam kong sobra na ito
Pero nakakasakit ka na ng husto.
Kaya pagbilang ko ng tatlo sasabihin mo na ang totoo.
Isa....Dalawa....Tatlo
"Minahal mo ba talaga ako?"
