Shit! Buntis ako!

Tinakpan ko ang bibig ko habang humihikbi ng marahan. Ngumiti ako. Hindi dapat ganito ‘yong reaksyon ko diba? Hindi dapat ako umiiyak? Dapat masaya ako dahil ilang taon akong mag isa at ngayon, nandito ka na. May kasama na ako. Nanginginig ang kamay ko, hindi parin ako makapaniwala. Natatakot akong isama ka dahil magulo ang buhay ko at gusto ko ng payapang buhay para sayo.

Hinawakan ko ang tiyan ko. Yumuko ako at ang mga luha ko ay bumuhos patungo doon.

“Kailangan kong kumain.” Iyon ang agad kong naisip. Dahil nitong nakaraang araw ay hindi ako masyadong kumakain. At ayokong magutom ang anak ko.

Anak ko.

May anak ako. May laman ang tiyan ko. May baby ako.

Tulala ako mag hapon. Hindi ako makapag isip ng maayos. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Lahat ng plano at pangarap ko ay nahadlangan ng gulong pinasok ko. Hinaplos ko ang tiyan ko. Hindi ko alam kung ilang linggo na akong buntis pero hindi pa naman ito halata. Matatapos ko kaya ang semester na ito nang hindi nahahalata?

Lunes, kinabukasan ay nag bihis ako para sa school. Mas pursigido akong mag aral. Tumawag ako kay Mia para mag paalam pero hindi siya sumang ayon doon. Sinabi ko rin sa kanyang babalik ako ng Marlboro Girls.

Pagkapasok ko sa unang period ay gulat agad ang mga kaklase ko sa pagpapakita ko. Syempre, isang linggo akong nawala. Sinabi ko sa kanila na nagkasakit ako. Bumenta naman ito sa kanila kaya wala akong naging problema.

“Want to catch up sa mga lessons?” Tanong ni Jason sa akin.

Nagsusulat ako ng notes sa aking notebook. Iniisip ko na kakailanganin ko itong offer niya. I needed all the help I can get so I said yes.

“Ayos ka na ba?” Tanong niya habang sinusuri ang mukha ko. Nakaupo kaming dalawa sa isang table sa cafeteria at panay ang kopya ko sa mga notes niya.

Maganda ang kanyang sulat kamay kaya hindi mahirap kopyahin ang bawat salita. Naiintindihan ko rin lahat ng mga lessons dahil sa mga ginagawa niyang diagrams.

“Oo naman.” Ngiti ko sabay patuloy sa pagkopya.

“Hindi ka naman mukhang nagkasakit.” Halakhak niya.

Napatingin ako sa kanya. “Nagkasakit ako.” Giit ko.

“Ang tingkad ng pagka mestiza mo ngayon, e. Pumupula pa ang pisngi mo.” Aniya sabay titig sa aking pisngi.

Ngumuso ako. “Guni guni mo lang ‘yan.”

Nagkibit balikat siya at tumingin sa librong inaaral. Ngunit nanatili ang tingin ko sa kanya at nilingon ko ang sarili ko sa salamin. Kitang kita ko doon ang pagtingkad ng aking balat. Hindi naman ako nag lagay ng kahit ano sa aking mukha.

Natapos ang pagkokopya ko. Nag paalam na rin si Jason dahil sa kanyang susunod na klase. Wala na akong pasok para sa araw na iyon kaya inaral ko na lang lahat ng mga hindi ko nababasa at ginawa ko rin lahat ng mga behind kong assignment. Madilim na nang tumayo ako sa cafeteria para umuwi. Sinabi ni Mia na pupunta sila doon ni Kid kaya kailangan ko nang umalis bago pa mag alala ang dalawa.

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora