Uminit ulit ang pisngi ko. Hindi ako sanay na ganito pero sa ngayon ay wala akong magagawa. Naiwan ulit kami ni Mia sa sofa at panay ang titig niya sa akin.

“Bukas, ipapamili kita ng groceries. Pupunta ako dito at hahanapin kita kay Rage para di siya magduda kung nahanap na ba kita o hindi. Kung ayaw mong makita siya, wa’g ka munang pumasok sa Lunes.” Ani Mia.

Iniwan nila ako don at sinamantala ko na lang ang pagkakataon na iyon para makapag pahinga. Sa sumunod na araw ay dumalaw nga si Mia na may dalang groceries para sa akin. Nilapag niya sa mesa ang tatlong pregnancy test at binalewala ko ang mga iyon.

“Pagod lang ako kahapon. Hindi na ako naduwal ulit.” Sabi ko.

“Bahala ka nga. Basta kumain ka ng maayos. Pupuntahan ko si Rage ngayon at magkukunwaring mag alala. Unless gusto mong mahanap ka niya, ay buksan mo ‘yong cellphone mo at nang ma trace ka.” Sarkastiko niyang sinabi. “Magpalit ka ng number.” Ani Mia at inabot sa akin ang isa pang Sim card. “Di ko kayang di ka itext lalo na’t buntis ka.”

Umirap ako. “Hindi sabi ako buntis.”

Nilapit niya sa akin ang pregnancy test. “Prove it.”

Ilang araw akong nanatili doon sa bahay ni Kid. Nahihiya na ako at panay ang text ko kay Mia at Kid na nakahanap na ako ng malilipatang apartment. Gustong gusto ko nang bumalik ng school para ipagpatuloy ang nasimulan ko ngunit ang isiping nandoon si Rage ay nagpapasikip sa dibdib ko. Ang lungkot at panghihinayang ko sa aming dalawa noon ay napalitan na lang ng galit ngayon. Galit dahil sa mga kasinungalingan at sa lahat ng nagawa niya, ng kanyang pamilya, sa aming dalawa ni mama.

Inalala ko kung paano kami pinagtabuyan noon sa bahay namin ni mama kaya kami napunta kina Auntie. Ang sinabi ni mama sa akin ay pag aaari iyon ng kanyang kaibigan, ngunit nang pumunta si Mrs. Del Fierro doon at nagkasagutan sila ay pinalayas kami doon.

Linunok ko ang nagbabadyang luha. Kahit anong gawin ko, may bahid na ang relasyon namin ni Rage. Hinding hindi na kami pwede. Inisip ko din kung paano niya pinlano ‘yong pag hihiganti at ang relasyon nilang dalawa ni Ezra.

Sumakit ang ulo ko sa kakaisip at biglang pumilipit ang tiyan ko. Pagkatapos ng pitong araw ay ngayon ko lang naramdaman ulit ito. Naduwal ako kaya nagmadali ako sa CR. Sinuka ko lahat ng kinain ko hanggang sa wala na akong maisuka kundi tubig. Hindi ako natunawan?

Naghilamos ako at pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. Tumulo ang luha ko. Nanginginig ang aking kamay na dumampot nong bigay ni Mia na pregnancy test. Dalawang linggo na akong hindi nakakapag trabaho sa Marlboro girls at nagigipit na siguro ako ngayon kung hindi lang ako tinutulungan ni Mia at Kid.

Sinunod ko ang instructions sa pregnancy test. Kabadong kabado ako habang ginagawa iyon. Namumutla ako habang nag hihintay sa resulta at nalaglag ang panga ko nang nakitang dalawang linya ang nandoon.

“Shit!”

Inulit ko pa ng dalawang beses at ganon nga ang naging resulta. Ginulo ko ang buhok ko at nanatili sa CR. God, buntis ako!?

Paano kita bubuhayin? Ni halos hindi ko nga mabuhay ang sarili ko! Magtatrabaho ba ako o mag aaral? Gusto kong mag aral para mas maging maganda ang kinabukasan mo dahil hindi natin pwedeng asahan ang... ang... ang daddy mo. Shit! Buntis ako!

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن