“So... hindi talaga kayo gumamit ng proteksyon?”

Hindi ako makapagsalita. Nakailang mura siya bago kami lumabas ng elevator. Kalmado ako ngunit panay ang pabalik balik ng tingin niya sa akin. Tuliro at para bang iritado.

“Sunny naman... Ano na? Pano kung buntis ka? Hindi ko na alam. Ano ba ang plano mo?” Tanong niya.

“Lalayo ako kay Rage. ‘Yon na ‘yon. Wala na akong ibang magagawa kundi ang lumayo, Mia.”

“Ilang beses ko nang narinig ‘yan!” Aniya sabay patuloy sa paglalakad sa puting tiles ng condo ni Kid.

Tumigil siya sa kulay dark brown na pintuan at agad binuksan gamit ang susi. Parang naka ilang beses na rin siya dito. Pagkapasok namin ay iginala ko ang aking paningin sa malaking kwarto ni Kid. Inisip kong magiging sosyal at mamahalin ang mga muwebles na makikita ko sa loob ngunit ngayon lang ako dinapuan ng hiya.

“Mia, dapat kayo dito ni Kid ang manirahan. Dapat ako na lang ‘yong nasa apartment.” Sambit ko habang itinuturo niya sa akin ang kulay maroon na sofa sa tanggapan ng condo.

“Oo, tapos lalayo ka pala kay Rage pero nakikita ka naman niya don. Magaling!” Ani Mia at umupo sa tabi ko, inaabutan niya ako ng tubig.

Narinig kong bumukas ang pintuan at tumambad si Kid sa aming harapan kasama ang mga bagaheng dala dala ko.

“At kung buntis ka, sasabihin mo ba kay Rage ‘yan?” Dagdag ni Mia.

Tinapunan ko ng tingin si Mia. “Hindi ako buntis.” sabi ko.

“Paano nga kung buntis ka!” Ginulo niya ang kanyang buhok sa pagkakairita.

“Buntis ka, Sunny?” Tanong ng nakikisaling si Kid.

Isa pa ‘to. Ngayon ko lang napagtanto na bagay ang dalawang ito. Hindi ko alam na pareho silang malawak ang imahinasyon.

“Hindi ako buntis!” Giit ko.

“Ilang beses na hindi gumamit ng condom si Rage?” Seryosong tanong ni Mia.

“HIndi gumamit ng condom si Rage? But that’s a rule, Mia. Logan, Brandon, and Rage won’t screw anyone without it.” Nilingon ako ni Kid at itinaas niya ang kamay niya bilang paumanhin. “I’m sorry Sunny. Pero ‘yon ang lagi nilang sinasabi tuwing nag iinuman kami.”\

Nalaglag ang panga ko.

“And I think it’s necessary, too. Very necessary actually.”

Lumunok ako at nag iwas ng tingin sa kanila. “Hindi pa ako nakakita ng... nag suot siya.” Yumuko ako at sabay silang nag mura.

“PT, Kid.” Sabi ni Mia.

“Bibili ako?”

Pumikit ako at tiningnan silang dalawa. “Mia, please? Pagod lang ako. Gusto kong magpahinga!” Sabi ko.

Nilingon ako ng dalawa. Pareho silang mukhang dismayado at hindi alam ang gagawin. Gumalaw si Kid at siyang bumasag sa katahimikan.

“Kukuha ako ng ilang damit. Pwede ka na sa kwarto, Sunny.”

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon