Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

Mga Katanungan Tulad Ng ....

10 0 0
                                        

Hindi ka na ba naawa ?
Sa iyong mukhang laging basa ng luha ?
Luhang sya lang ang may gawa,
At luhang sa pagpatak ay hindi na nagsawa.

Ayaw mo pa bang sumuko ?
Kahit ika'y sa galit ay punong-puno,
Hindi ka pa rin ba nanlulumo ?
Kahit na pinaglaruan nya lang ang iyong puso.

Kailan ka pa ba titigil ?
Kapag ba ang buhay mo ay iyo nang kinitil ?
Kailan ka ba magpipigil ?
Kapag ba sinara at dinurog nya ang puso mo sa butil ?

Hanggang Kailan ka aasa ?
Kahit alam mong sya sayo'y nagsawa na,
Hanggang kailan ka magdurusa ?
Kahit alam mong sayo ay hindi na sya masaya.

Bakit ka pa ba lalaban ?
Kung lagi na lang kayong away at tampuhan,
Bakit ayaw mo pa syang lubayan ?
Kahit lagi mong nadarama sa kanya ang kalungkutan.

Hindi ka pa ba natatauhan ?
Kaya't patuloy kang lumalaban ?
Hindi mo pa ba nalalaman ?
Na sa huli ikaw lang ang napaglaruan.

Ayaw mo na bang sumaya ?
Kaya ba ipinipilit mo ang sarili sa kanya ?
Na kahit anong gawin alam mong wala na talaga,
Wala na kasi may mahal na syang iba.

Ganon mo ba talaga sya ka mahal ?
Na kahit ang pusong sira ay pilit itinatapal,
Pero kahit anong gawin ay pilit tinatanggal,
Na para bang walang kwenta ang kahit anong dasal.

Ako na sayo ang nahihirapan,
Pwede mo na ba itong tigilan ?
Ika'y sa aki'y lumapit nang mapagusapan,
Mapagusapan ang problemang pinagdadaanan.

Teka muna bago ka magsalita,
Iyong punasan muna ang iyong luha,
Gusto kong makita ang iyong mga mata,
Yung mga mata mong dati'y puno ng saya.

Oh ika'y sa akin ngayon ay lumapit,
Ang problema ay iyong isambit,
Gamit ang 'yong boses na tila parang awit,
Awit na alam kong puno ng kalungkutan at sakit.

Marami akong katunangan sa iyo,
Mga katanungang sa isip ko'y tumatakbo,
Ngunit hindi ko alam kung masasagot mo ito,
Kasi baka ito'y lalo lang magdulot ng kirot sa puso mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Ignored MessageStories to obsess over. Discover now