Chapter Twenty-Six

Zacznij od początku
                                    

Trust. They must trust each other that no matter what issues or problems they'll face, nothing will get between them. Kung totoo man ang mga sinasabi ngayon ni Bari, mas kailangan niyang marinig ang side ng asawa niya.

Hindi na siya magiging selfish pa. She promised that to herself and to Dylan.

Medyo kinalma ni Lana ang sarili. Baka matakot ang baby niya.

Awtomatikong napahawak siya sa puson. "Ano na, Bari?Bakit kailangan mo 'tong sabihin sa'kin?"

Umupo ito sa upuang katapat ng inuupuan niya kanina. Komportable pa itong nag-dekuwatro at isinandal ang likod sa sandalan. Then, he smiled triumphantly.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"mataray na tanong niya rito. Pagkatapos ng lahat ng sinabi nito at pagkatapos niya itong sampalin, ngingiti lang ito na parang masaya pa? Baliw ba ito?

"I want to test how much you love Dylan, Lana.  And I'm happy, because you do love him and trust him. Gusto ko ang sinagot mo sa'kin. Iyon ang gusto kong marinig mula sa'yo," seryosong sabi nito at saka humalukipkip. "But you're too brave. Nasampal mo pa 'ko."

"You deserved it!"

He lightly chuckled. "I think so, too. Mukhang lalaki ang baby mo. Sobrang tapang mo. No one dared to slap me."

Lumabi siya. "Uulitin ko ulit iyon sa oras na siraan mo sa'kin ulit ang asawa ko," sabay upo sa inuupuan niya kanina. "Pero, sandali nga lang. Naguguluhan ako sa'yo, so, kinausap mo 'ko para malaman mo kung gaano ko talaga kamahal si Dylan? Bakit?"

Tinitigan siya nito nang matagal. Hindi naman niya inurungan ang tingin nito at sinalubong iyon. Tama nga siguro ito. Baka lalaki ang baby niya at ang tapang tapang niya habang noon ay halos magtago na siya sa likod ni Dylan habang kaharap si Bari.

"You cannot intimidate me anymore," aniya rito.

Napailing-iling ito. "I witnessed Dylan grew up and hid all his insecurities. Nakita ko kung gaano siya nagmahal at nasaktan ng lihim para gawin ang tama. He played with a lot of women but deep inside, I know, he wanted to have his own happily ever after. But he's too damned insecure about being an orphan. Mabilis siyang sumuko kapag tingin niya, hindi para sa kanya ang isang bagay. Katulad nang hindi niya pinaglaban ang position niya sa Guevarra Minings kahit pa mas nararapat siyang mamahala roon. You know about the necklace and his gym, right? Sa dalawang bagay lang na iyon siya totoong masaya... but when you came, he changed.

"Totoo ang misyon namin na ilayo ka kay Reeve pero hindi ko na alam ang iba pang rason sa mga naging pagliko ng plano namin dahil sa ginawang pagpapakasal sa'yo ni Dylan. Pero habang tumatagal, nakikita namin kung paano ka ipaglaban ni Dylan, nang hinubad niya ang necklace, at kung paano niya tinanggap ang sarili niya para mahalin ka ng buo," mabagal na sabi nito. "At sa nakikita ko sa'yo ngayon, kayang-kaya mo ring ipaglaban ang pinsan ko. No wonder, you rightfully deserve each other."

Napakurap-kurap siya. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi nito. At parang natutunaw ang puso niya lalo na ng marinig niya ang mga sumunod pang sinabi nito.

"When we silently promised to protect Agatha and make her happy no matter what, palihim na ipinangako ko rin sa sarili ko, na magiging masaya ang mga nakababata kong pinsan. Kahit hindi ko kadugo si Dylan, he's already a brother by spirit." Nagkibit-balikat ito. "I think it's me being a big brother to all of them, kaya siguro masasabi mong 'pakialamero' ako ngayon. Masisisi mo ba 'ko kung gusto kong masigurado kung gaano mo kamahal si Dylan? Masisisi mo ba 'ko kung gusto kong makasigurado na sa'yo siya sasaya ng tunay?"

"P-Paano kung iba pala ang ginawa ko? Paano kung kabaliktaran ang naging reaksyon ko? Paghihiwalayin mo kami?"

"Hindi kita kinausap kung alam kong ganoon ang gagawin mo."

Making Love - Published by PHROpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz