Chapter Twenty-Six

Start from the beginning
                                    

            "So, I did a little background check about the famous hotel magnate Reeve Monteverde. And pop! Your name appeared as his first love who broke his heart so bad," he emphasized. "Iyon daw siguro ng dahilan kung bakit walang naging stable relationship si Reeve at kung bakit pumayag na lang siyang makasal kay Agatha. It's all about business. Then, we investigated about you..."

            "Pinaimbestigahan niyo ko?"

            "Kaya nga namin nalaman na may plano pala kayo ng pamilya niyong umuwi na ulit dito sa Pilipinas for good. At aminin mo, gusto mong makipagbalikan kay Reeve."

            Napalunok siya. "Oo. Noon. Because I thought he's still single."

            "Pero segurista kaming magpipinsan. Uso na ang agawan ng asawa. Anong malay namin na hindi mo gagawin iyon sa pinsan namin?" anito at saka siya tinignan ng mas mataman. "Nag-usap-usap kami. Clearly, you're a threat to the marriage, Lana. Kailangan ka naming ilayo kay Reeve at Agatha. We need to distract your attention. And guessed who volunteered to do it for Agatha's happiness in love?"

            Nakuyom niya ang mga kamay."Get straight to the point!" she demanded, her teeth clenching. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang tapang niya para sabihan ito ng ganoon. Basta, ayaw lang niya ang dating nito na tila sinisira nito si Dylan sa kanya.

            "Oh, Lana, you already got my point," tuya pa nito at saka tumindig sa harap niya. Then, he lowered his head to face her. "Inako na ulit ni Dylan ang misyon namin. He will be the one to divert your attention. Ang usapan namin, makikipagkaibigan lang siya at saka siya magpapakilala ng mga matitino namang lalaki na puwede mong pag-ukulan ng pansin. Hindi namin sinabi na siya mismo ang trumabaho sa'yo."

            "A-Anong gusto mong palabasin?" Nagtatagis na ang mga bagang niya at nangangati na ang mga palad.

            "Bakit ka ba kasi papakakasalan ni Dylan habang wala ka sa tamang huwisyo? Naniwala kang kasi mahal ka niya, unang kita pa lang niya sa'yo? That's an ass, Lana. Kamukha mo si Agatha—his first and unrequited love. You're beautiful enough for a second choice in his heart, don't you think? If he cannot have Agatha, then he can just settle for a look-a-like.  Kumbaga, pupuwede na."

            Kusang umangat ang palad niya at sinampal ito ng malakas.

            "Mahal ako ni Dylan!" nanggigil na sabi niya. "Kahit planado pa ang pagkikita namin. Kahit ano pang rason niya nang pakasalan niya 'ko noon... kahit pa dahil kamukha ko si Agatha at kahit 'pupuwede na' lang ako, wala na 'kong pakialam!"

Tumayo siya at tinapatan ang tingin nito kahit nakatingala na siya rito. Biglang nawala ang intimidation na nararamdaman niya dahil galit na galit ang siya ngayon kay Bari.

"I may be a second choice at first, pero alam ko ngayon na mahal na 'ko ni Dylan! He has fallen along the way. I know, I felt it. I'm not assuming because everyday, I can feel how Dylan loves me, how he takes care of me, and how he's excited to let everyone know na kasal na kami at magkaka-baby na kami!" Dinuro-duro niya ito. "Kaya ikaw, sige, salamat kasi sinabi mo sa'kin 'to. Pero para ano? Para masaktan ako? Para magalit ako kay Dylan? Hell, no! Dylan assures me everyday, every hour, every minute, every love makings that I'm the only girl he loves come heaven or hell!" she shouted at him. "And I love him!"

"You love Dylan that much, huh?"

"Because he loves me, too. That much. And when we love, we must learn to trust." Marami na silang issues ni Dylan sa mga sarili na natutunan na nilang i-overcome. At kasama doon ay ang pagbi-build up nila ng trust para sa isa't isa. Dahil sabi ni Dylan, they must not feel insecure sa pag-ibig nila sa isa't isa. Dapat mas maging secure pa sila. And how can they feel the security?

Making Love - Published by PHRWhere stories live. Discover now