Dec 24, 2015. 6AM
"Merry Christmas, Sad"
Limungon ako ng mabilis sa pinsan kong nasa shot gun sit at ngumiti upang pagtugon sa pagbati ng tita kong nasa pinas.
"Tita we are close to airport na. I made Saddie drive cause airport confuses me"
Ngumiti lang ako. Ako yung ihahatid sa airport pero ako parin ang nag drive sa huli dahil ako lang may kabisado sa pagpasok dito.
"Bye, Tita" narinig kong paalam ni Claire-- pinsan ko bago ako bumababa para kunin ang gamit ko sa compartment.
"Nicole is in line for checking in. I should be fine here, caz" sabi ko para hindi na sya gumastos sa parking fee para sa paghintay sa akin.
"Okay.. I'll keep in touch in your snaps as an update" lapit nya sa akin at bumeso.
Tumawa lang ako sa sinabi nya kasi kahit naman sabihin nyang i update ko sya via text hindi ko magagawa yun dahil I'm bad at communicating.
Agad kong nakita si Nicole na nakapila kaya mabilis akong naglakad patungo sa kanya.
"Mum, late ka naman" reklamo nya.
Tinignan ko ang wrist watch ko. 4 hours early kami sa flight namin.
"Wag kang OA" sagot ko
"Excited ka na?" ulit nyang sabi.
First time ko kasing lumabas ng bansa na hindi kasama ang pamilya ko. At first time ko ding uuwi ng pilipinas simula nung mag migrate kami 8 years ago.
"Natatakot" sabi ko.
"Hay naku ayan ka na naman dyan sa pagiging nega mo" ismid nya
Hindi na ako nakapagsalita dahil oras na namin para sa mag check in sa counter. At dahil tatlong oras pa mahigit ang aantayin namin bago ang flight nag ikot ikot kami para pumatay ng oras. Pagtapos ng tatlong oras na pag aantay, labing isang oras na naman ang gugulin namin sa loob ng eroplano para makarating sa korea. Pagtapos noon, meron kaming labing apat na oras na maglalagi sa Incheon Airport para sa flight namin galing South Korea pauwing pilipinas. Ang haba ng aming lakbayin ngunit wala akong inindang pagod kundi ang paglobo ng mga talampakan ko gawa ng pagkakaupo ng higit sampung oras.
"Mum, ano. Okay ka lang ba talaga dito? Asan na yung sundo mo? Andyan na kasi yung akin eh" kilabit sa akin ni Nicole.
"Sige okay lang ako. On the way na din sila kuya" pinunasan ko ang pawis ko na malapit matuyo sa may noo ko. Balisang balisa ako sa sobrang init. Idagdag pa na naka suot ako ng hoody jacket.
"Sige, Itext mo ko agad pag nakauwi ka na ha. ITEXT mo ko" pag didiin nya
Nirolyo ko lang ang mata ko sa pag sang ayon sa kanya. Ilang minuto pa ang aking inantay bago dumating ang aking sundo. Pinag usapan na may dadaluhan muna kaming kasal bago talaga makarating sa aming probinsya. Isang araw na lang bago magbagong taon ng makauwi ako sa bahay. Halos hindi ko na maramdaman ang aking katawan sa pagod at puyat.
Pagsapit ng bagong taon. Walang nagbago sa dating sitwasyon ko. Mag isa pa din akong nag diwang ng bagong taon sa loob ng walong taon. Ang pinagkaiba nga lang mas maingay ang paligid ko ngayon kesa sa malaking bahay namin sa US.
"Saddie, andiyan sa ibaba si Kaye" naalimpungatan ako sa boses ng lola ko.
Agad akong bumababa upang salubungin ang aking kaibigan na si Kaye. Si Kaye at ako ay dumalo sa parehong high school dito sa aming probinsya. Hindi man kami naging magkalapit na kaibigan noon high school, ako naman ang naging sandalan niya noong nagkaproblema sya sa tatay ng anak nya.
YOU ARE READING
Finding Saddie
ChickLitDesperate of getting out from a heartbreak, Saddie drop everything to start a new life.
