O N E

6 1 0
                                    

I came from a different kind of human being. We call ourselves Sui Generis. Few people know our existence. Ang iba pa nga sakanila eh hindi talaga alam kung ano ang whole picture. Some thought we’re just mysteriously beautiful. It’s a fact though. Our kind is beautiful, like Barbie dolls beautiful. Yung tipong physically perfect? I’m not bragging because there’s nothing to brag about if you get something you haven’t even put an effort to. Hindi ako nagkapimples ever, kahit wala ako nilalagay o pinapanlinis sa mukha ko. Our kind has always been known for its flawless skin, captivating eyes, curvy body, etc. You get the picture. Despite everything, our hair has what really attracted others to us at the very first place. Yung buhok kasi namin hindi lang basta basta may color like black, violet, red, yellow, brown, etc. Aside from the color, our hair glows unlike any other normal human hair. Hindi na namin kailangang mag undergo ng hair treatment to make it look healthy.
Sabi ng mga instructors ko ang color ng buhok namin varies on our abilities. The darker the hair color, the stronger the ability is. I believed them. Because there’s no easy way to explain why my family has been in hiding ever since my brother was born and became more desperate when I was born a year after. It was uncommon for a child to be born with dark hair. Usually babies of our kind have glowing light hair since abilities haven’t been fully developed at that age. But it’s different in our case. Nang ipanganak si kuya, kulay itim na kaagad ang buhok niya. It was glowing almost like our father’s hair that at that very moment, napagdesisyunan na nila lolo na wag na muna ilabas si kuya at ipakita sa public hangga’t hindi pa nakakahanap ng taong magaling magconceal ng appearance sa mata ng mga katulad namin. Fortunately for us, ang kapatid ni mama ay may ganung ability however weak it was. My grandparents were not discouraged though. Alam nila na ang pamilya na pinagmulan ni mama ay may malalakas na ability so they trained my aunt. At first, sa mata lang ng mga normal na tao kaya niya iconceal ang appearance ni kuya. But as months passed by, nakayanan na niya iconceal even sa mga mata ng mga Sui Generis. However, kaya niya lang gawin ang ganung kalakas na concealment sa isang Sui Generis. Kaya ng ipinanganak ako, tuluyan na nilang napagdesisyonan na magtago until the right time.
Bakit kailangang magtago? You’ll know why later on.

“Samantha ang gwapo niya talaga!!” isang malakas na hampas ang natanggap ko sa bestfriend ko. Parang sinasapian kasi to pag nakikita niya ang crush niyang model.

“Masakit ano ba! Ang adik talaga neto” tinulak ko si Althea palayo. Mahirap na baka maging punching bag ako.

“Eh sa ang gwapo talaga. Bakit ba kasi may ganyang kaperpektong nilalang sa earth? Unfair!” dagdag pa niya. Unfair daw pero enjoy na enjoy naman siya sa view. Haha.

Tiningnan ko ang tinutukoy niyang lalaki. He’s a sui generis and for a sui generis he’s really handsome. That’s saying something kasi given na pag sui generis ka, gwapo ka diba. Pero wala pa din mas gagwapo sa kuya ko. Haha!

“Mas gwapo pa din si Kuya Samuel” sabi naman ni Lyka, isa ko pang bestfriend.

“Tama!” nagfist bump kaming dalawa. Team kuya kami eh. Haha. Tsaka kung makita lang nila si kuya na wala ang concealment, walang sinabi yan na crush ni Althea. Di ako bias 😛

“Wag nga kayo maingay. Kailangan ko magfocus”

Sabay umikot ang mga mata namin ni Lyka paitaas. Nagfocus na din ako sa pinapanood niya.

Adrian ang pangalan ng gwapong nilalang na pinapanood namin ngayon. Sikat siya sa mga Sui Generis kasi member ang daddy niya ng Council. Bukod pa jan eh halatang malakas ang ability niya base na din sa buhok niya. Dark brown ang color ng buhok niya. Chinito, matangos ang ilong, manipis ang lips, matangkad and over all perfect. Kaya naman kahit mga sui generis na babae crush ito eh. Pano ko nalaman? May mga occasions din kasi na nirerequire ang presence namin ni kuya kasama ang iba pang sui generis. Pano namin ginagawa yun? Malalaman niyo din. Haha.

Sui GenerisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon