chapter 6

1.2K 20 14
                                    

Linggo ngayon ng gabi at dapat ay maaga akong matutulog pero dahil sa hapon pa ang pasok ko sa eskwela ay heto ako't nanonood ng teleserye ng biglang tumawag si Angely.

[Hello, Ate?]

"Oh? Bakit ka napatawag? Nasa trabaho ka pa ba?"

[Oo ate eh. Nga pala, mabuti naman naisipan mo ng bumili ng cellphone. Mabilis na kita makocontact.]

"Ah..eto? Pinahiram lang sakin 'to nung kaibigan ko. Pero bakit ka nga ba napatawag? Gabing gabi na ah?"

[Eh kasi ate.. si mama kasi..]

"Bakit? May nangyari ba sa kanya?"

[Sinabi sa akin nung kapit bahay natin na hindi pa raw nagbubukas ng ilaw si mama at ng kinatok niya ito ay wala namang sumasagot. Pero nakita naman daw niyang pumasok ito sa bahay pagkatapos manggaling sa simbahan.. Ate, pwede mo bang icheck? Baka kasi kung ano nang nangyari kay mama. Medyo malayo layo kasi yung set namin. Okay lang ba? Nag aalala kasi talaga ako.]

"Naintindihan ko. Magbibihis lang ako at pupunta na ako doon. Magpahinga ka na, Angely. Ako ng bahala kay mama."

Kaagad kong ibinaba ang tawag at mabilis na nagpalit ng damit. Hindi kaya may sakit si mama?

Nang makarating ako sa bahay namin, nila, ay kaagad akong kumatok pero walang sumasagot. At lahat ng ilaw ay nakapatay. Wala akong susi pero ang alam ko may taguan kami ng spare dito sa labas. Kaagad ko iyong hinanap at ng makita ko na ay binuksan ko na ang pinto.

"Mama? Andidito ka ba?"

Sobrang dilim at tahimik ng bahay pero may narinig ako ungot. Sinubukan ko munang buhayin ang ilaw bago sinundan ang pinangggalingan ng tunog. Doon ko nakita si nanay na nakahiga sa sahig ng kusia.

"MAMA! Sobrang init niyo po! Kanina pa po ba kayong ganito?"

Pero imbes na sagutin ako ay itinulak niya pa ang kamay kong hinahaplis ang noo niya.

"Mama naman.."

"Umalis ka dito.. hindi kita.. kailangan.."

Mukhang kahit malubha ang nararamdaman ay ayaw niya parin akong makita. Pero kahit na tinutulak tulak niya ako ay inalalayan ko parin siya hanggang sa makarating kami sa salas at maihiga ko siya sa sofa.

Nang matanaw ko ang lumang orasan ay pasado alas dos na. Kaya naman pala antok na antok na ako. Pero dahil mataas parin ang lagnat ni mama ay hindi ako tumigil sa pag aasikaso sa kanya. Nakapagpahinga lamang ako ay bandang alas singko na. Quarter to six ng muli kong icheck ang lagnat ni mama doon ay nagising siya.

"Anong ginagawa mo rito!? Sinong nagpapasok sayo dito ha!?"

"Mama, magpahinga po muna kayo. Hindi pa tuluyang gumagaling ang lag.."

"Wala akong pakialam! Umalis ka na dito! Mas magkakasakit ako kung makikita pa kita! ALIS! ALIS!"

Napabuntong hininga na lang ako bago tuluyang umalis ng bahay. Nang makarating naman ako sa aking tinutulyan ay lampas alas syete na. Kaagad ako nahiga at natulog.

I woke up because of a loud ringing. I pick it up with looking who the caller is.

"Hello?"

[Bakit waka ka sa usual tambayan mo? Wala ka bang klase?]

"Meron, pero mamaya pang one."

[Is that so? Okay, twelve thirty pa lang naman. I guess I'll see you around later? Bye!]

Hindi klaro yung mga sinabi ni Ron pero yung twelve thirty malinaw na malinaw sa pandinig ko! Kaagad akong bumangon at dumaretso banyo.

Nakalimutan ko na atang magsuklay sa pagmamadali, limang minuto pa lang naman akong late pero kahit na! Ngayon ngang wala pa ako sa classroom ay pinagtitinginan na ako, paano pa kaya kapag nakarating na ako? Too much shame!

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi pa nakakarating yung prof namin kaya naman kaagad kong inihiga ang ulo ko sa desk. Gaaahd. I feel exhausted. Kaunting oras lang ako nakatulog at kinailangan ko pang tumakbo para lang umabot sa klaseng ito. I was about to doze off nang may biglang sumipa sa inuupan ko, and since I'm an good person, pinabayaan ko na lang baka kasi natabig lang. Pero hindi eh. Sinisipa nanaman ng walangya ang upuan ko!

"What do you think you're doing?" Asik ko sa walang modong nilalang na kanina pang iniistorbo ang pahinga ko.

"Obviously kicking your seat." He cockily answered.

Eh kaya naman pala nakakabwiset kasi yung bwiset na manyak yung nasa likuran ko.

"Utang na loob tigilan mo ako. Wala akong tulog kaya baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't maihampas ko itong mga libro ko sa pagmumukha mo."

"Oh yeah? Well every body knows you got no sleep at all. Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin?"

"Alam kong hindi ako kagandahan pero hindi rin naman ako sobrang pangit kay pwede ba? Tigilan mo ako. Gusto ko lang namang matulog kahit saglit lang."

"Eh ang existence ng suklay, alam mo? Mukha kasing hahabulin ka na ng mga suklay sa itsura mo."

Tinalikuran ko siya matapos ko siyang irapan. NAKALIMUTAN KONG MAGSUKLAY! Kaagad kong kinuha ang suklay ko sa aking bag ng pati ang munti kong salamin, kaagad ko iyong dinampot at nakita ang aking repleksyon. Oh..my..holy..grail.. kaya naman pala ang daming nakatingin sa akin kanina! Kainis! Mukha akong bad witch sa isang pelikula. Buhaghag ang buhok at ang iitim ng ilalim ng mga mata. Mygahd! Anyare sa pinagmamalaki kong hindi kagandahan pero hindi rin naman sobrang pangit?

Habang sinusuklay ang sabit sabit kong buhok ay may mga lumapit--ah no.. may mga dumaan sa gilid kong nagseseksihang dilag. Ako na yung mahihiya sa ikli ng suot nila.

"Hey, you new here?"

Tanong ng isang sa tatlong babae. Kaagad kong nilingon kung nasaan sila dahil feeling ko ay nasa likuran ko lang sila.. at tama nga ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit panay ang pacute nila sa kulugong yun eh ni hindi naman sila binibigyan ng atensyon nito.

"You're a snob type, huh? Baby, that's what I like in men." Kinindatan niya ang kulugo pero wala itong silbi kaya naman naupo ito sa desk ng kulugo at ibinaba ang binabasa nitong libro.

Ooh boy, he look pissed. Iniangat nito ang tingin sa babaeng hitad na halata mong mas pinaiikli ang suot na palda.

"Miss, you should leave together with your friends while I'm still being kind."

Dahil sumasakit na yung batok ko sa paglingon sa kanila ay inayos ko ng ang pag-upo ko at humarap na lamang sa unahan.

"Honey, my friends and I just want to have fun with you."

"Do I look like I'm interested?" I heard him sigh.

"Well, you will. Sumama ka samin and we'll give you the best f*ck you'll ever have." The girl sounded so.. uhm.. flirty? Habang ang mga kasamahan naman niya ay tumawa ng bahagya. Kadiri. Nandidiri ako sa mga pinagsasabi nila. Kailangan kong maligo ng holy water. Jusko, anong klaseng mga babae ang mga ito? Pabasbasan ko kaya sila ng mahimasmasan naman sila?

"No, thank you. I wouldn't be satisfied with an already used hole."

I heard a sound of a moving chair. When I was about to turn my head, nakita kong dumaan ang kulugo at nagtungo papalabas ng silid.

"Oh my gosh, girl. Did he just insulted us?"

"Yes, he did! Pero hindi ako nainsulto since it's true." Nagtawanan silang tatlo.

"Di bale na. Next time, I'll make sure I'll have him on my bed."

Yun ang huli kong narinig sa kanila bago sila umalis ng silid.

My gulay, nasaan na ba yung prof namin ha? May eksena ng naganap dito ay hindi parin siya dumarating?

He's a Bad BoyWhere stories live. Discover now