Left (Oneshot)

9 7 3
                                        

Shin's POV

Inaayos ko ang aking kwarto, ang gulo gulo na kasi. Nagkalat ang papel, mga lumang gamit, at mga mga damit na hindi pa natutupi. At ayokong matalakan ni mama pag nakita niya kung gaano kagulo tong kwarto ko.

Nag-aayos ako ng mga libro at mga larawan ng may nahagip ang mata ko. Isa itong sobre, kinuha ko ito at tinignan ang laman. Liham ang laman nito. Para kanino naman ang liham na ito. Ngayon ko lang nakita sa kwarto ko.

Umupo ako sa dulo ng kama at binasa ang liham.

Dear Shin,

        Kamusta ka na diyan? I hope na maayos ka. Alam ko na habang binabasa mo to wala na ako sa tabi mo at naiwan na kita.

       Wag kang loka-loka baka ipasok ka na talaga sa mental diyan wala pa naman ako sa tabi mo pag pina-admit ka sa mental para damayan ka. Pero stay strong, wag masyadong iyakin wala rin ako diyan para punasan yang luha mong hindi tumitigil sa pagtulo pag nanonood ka ng hindi masyadong nakakaiyak na palabas, pero iyak ka ng iyak.

        Ito isa pang paalala kasi wala na rin ako diyan sa tabi mo. Wag kang matakaw baka pag magkita tayo tabachoy ka na. Sige ka di ka na sexy. Pero masarap kumain kaya sige lang hahaha, pero diet diet rin pag may time ha.

        Sinulat ko pala tong liham kasi di kita kayang harapin sa personal. Sana patawarin mo ako kasi naiwan kita. Pangako pa naman natin sa isa't isa walang iwanan, pero yung pangako na yun napako na.

         Umalis ako kahit ayoko kasi may problema sa pamilya namin. Ayokong madamay ka kasi parang sa lahat ng oras na may problema ako ikaw lagi ang nag-iisip ng solusyon. Kahit sabi mo ganyan talaga pag magkaibigan nagtutulungan at nagdadamayan sa problem ng isa, di ko pa rin maiwasan na hindi mahiya sayo. Naghiwalay si mama at papa, nahuli kasi ni mama si papa na may ibang kasamang babae papunta sa motel. Umalis sa bahay si papa at hindi na nagpakita pa. Pagkatapos ng kaganapang iyon nagkasakit ng malubha si mama, sakit sa puso. Kailangan naming magpunta sa ibang bansa para magpagamot, sa ibang bansa daw kasi mas malaki ang posibilidad na gumaling si mama.

         Humahaba na itong laman ng liham ko hahaha ang nais ko lang sana mapatawad mo ako sa pag-iwan sa iyo. Pero kung hindi, naiintindihan ko. Ito lang tandaan mo Shin mahal na mahal kita, ikaw kaya ang best na best na best friend ko. Love you.

     Nagmamahal
Shin <3

Nag-uunahang tumulo yung mga luha ko. Ang tagal ko na tong kinalimutan akala ko pag nakita ko ulit tong liham na ito di na ako iiyak.

Itong liham na ito ako ang nagsulat. Sinulat ko to sa best friend ko na sa hindi sinasadya ay kapangalan ko rin. Natatandaan ko hindi ko na naibigay sa kanya ito kaya itinago ko na lang.

Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang litrato kung saan nakaakbay siya sakin.

Shin kung nasaan ka man, sana nasa maayos kang kalagayan. I love you best friend.

-The End-

Left (One Shot)Where stories live. Discover now