"Bro, are you free tonight?" bungad ni Joe sa kabilang linya.
"I'm not sure, bro. I might be home by 7:30 pm." Sagot ni Gabriel na tila ba hindi talaga sigurado kung makakauwi sa sinabing oras. Month end at audit season kaya naman ilang araw na rin siyang ginagabi sa pag-uwi. Bukod sa nakabakasyon ang kanyang boss ay nakaemergency leave naman ang katrabahong si Moris kaya naman siya pa rin ang gumagawa ng trabaho nito.
Hindi naman nya masisi si Moris dahil nag-iisang anak ito at sila na lamang ng kanyang ina ang magkatuwang sa buhay. Noong isang araw ay nakatangap ito ng tawag mula sa kanyang tiyahin at ibinalitang nasa ospital ang kanyang ina sa hindi pa malamang dahilan.
Ilang araw na ring ginagabi siya ng paglabas sa trabaho. Isama mo pa ang traffic ay lalong late na siya nakakarating sa townhouse.
"Great. I'll pick you up by 8". Balik sagot ni Joe. Hindi pa man siya nakakasagot ay naibaba na nito ang telepono sa kabilang linya. Iiling iling na lamang si Gabriel na ibinalik ang atensyon sa ginagawang reports.
Si Joe ay matalik niyang kaibigan simula pa lamang noong nasa elementarya. Ito ang madalas nagtatangol sa kanya sa mga bully sa school. Maangas ang dating nito palibhasa kilala ang angkan nito sa lugar. Pero mabait ito sa lahat. Para sa mga kaklase nilang babae ay ito ang super hero nila.
Magkapananghalian ay nakatangap ng text message si Gabriel mula sa kaibigan. Nireremind nito ang lakad mamayang gabi.
"I can't promise bro but I will try to finish everything so I'll be home by 7:30. Saan ba ang lakad?". Hindi man siguradong makakasama ay nacucurious siya kung saan siya balak dalhin ng kaibigan.
"Hindi ka pwedeng mawala doon bro".
"Saan ba kasi yan?"
"Basta. I will introduce you to someone".
Kilalang kilala nya ang kaibigan. Malamang ay bagong girlfriend na naman nito ang ipapakilala. Palibhasa, habulin naman talaga ng babae si Joe. Knight in shining armour ang tingin dito ng mga kakabaihan. Pero parang wala sa bokabularyo ng kaibigan ang magseryoso at lumagay sa tahimik. Ni wala akong natatandaang naging karelasyon nito na tumagal ng anim na buwan maliban kay Heleina na childhood sweet heart nitona ngayong sa amerika na nakabase.
"Naku bro, may bagong girlfriend ka na naman? You are not getting any younger bro. Bakit di mo kaya i-try ang mag magseryoso?" O umaasa ka pa rin sa childhood sweetheart mo?"
"Kasalanan ko ba kung sila ang lumalapit sa akin? Pero bro, iba to. Basta, daanan na lang kita mamaya. Sige na, I have a meeting at 3".
Hindi na nagreply si Gabriel at nagfocus na lamang sa pagtatrabo para makauwi ng maaga. Nacucurious na rin naman siya kung sino ang ipapakilala ni Joe. May paiiyakin na naman ang kaibigan nya. Iiling iling nalang si Gabriel sa naisip.
Halos 7:30 na nang makarating si Gabriel sa kanilang bahay. Naroon na ang kaibigan nya base sa kotse na nakaparada sa labas ng bahay.
"Joe, ang aga mo naman. Masyado ka namang excited sa ipapakilala mo". Nakita nya itong nasa sala at nakikipaglaro ng ps4 sa kapatid niyang si Greg. At home na at home na sa bahay nila ang kaibigan dahil simula pagkabata ay kilala na nila ito. Anak na rin ang turing ng kanilang mama at papa dito. Minsan pa nga ay parang ito ang tunay na anak.
"O anak, nandiyan ka na pala. Halina kayo at kumain na muna kayo. Teka at ihahanda ko ang mesa". Bungad ng kanyang ina mula sa kusina.
"Huwag na, Ma. May date itong si Joe at gagawin niya akong chaperone. Susulitin ko kaya doon na lang ako kakain sa pupuntahan".
"Naku ay mukhang sa bar kayo pupunta e. Tingnan mo nga ang ayos ng kaibigan mo, o." At inginuso pa ang kaibigan.
Tumayo na rin si Joe matapos talunin ang kapatid sa nilalarong game sa ps4. "Yes, tita. Sa bar nga po kami pupunta kaya kakain muna kami". At nauna pang naglakad papasok sa dining area.
YOU ARE READING
A CHANCE CALLED TOMORROW
RomanceLove is lovelier the second time around as they say. Maging lovelier pa kaya ang lahat sa muling pagkukrus ng landas ni Angge at Gebriel?
