Huwag kang magsalita ng tapos
Kung iba naman ang nilalaman ng utak mo
Huwag mong sabihing gusto mo siyang kayapos
Kung ang pinapangarap mong mayakap ay ibang tao.
Iba ang sinasabi ng bibig sa iniisip ng utak.
Nais mo lang na pagaanin ang kanyang loob upang ang nararamdaman niya sayo'y hindi maging masama
Kasinungalingan mo sa kanya't sarili mo ay patuloy kang tinutulak
Pinapahayag mo lang sa kanya ang mga matatamis ngunit mapanlinlang mong salita.
》》》》》》》》》》
AUTHOR'S NOTE :
Sorry, short poem muna guys :(
Ano sa tingin niyo ang ibig - sabihin o ang nais sabihin ng tula? Feel free to comment kung may ideas kayo :) Don't be a silent reader :) Please Vote kung naappreciate niyo.
Hope ya like it !
PS: tumatanggap ako ng constructive criticism :)
VOCÊ ESTÁ LENDO
Tula Para sa mga Lumuluha
PoesiaIto ay aking isinulat upang mailathala ang aking mga nararamdaman. Tula na tiyak ay iyong magugustuhan Bawat salita ay tatatak sa iyong puso Huwag kang mag-alala dahil hindi ito kagaya ng iba na sumusunod lamang sa uso
