Sa mga taon at buwan na ika'y nakasama
Binalot mo ang mundo ko ng tawa't saya
Tumatakbong oras ay di natin inalintana
Bagkus sulit ang panahon na makapiling kita
Ngunit sa iyong pag-alis,pagmamahalan nati'y nabitin
Sapagkat magkaibang mundo ating tatahakin
Ilang taon man na ika'y mawalay sa akin
Sisiguraduhin na ang sigaw ng puso ko'y ikaw parin
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana
Dahil sa pagwalay nati'y bigla kang nagbago
Ngunit hindi ko binigyan ng pansin
Pero unti-unti na pala itong naglalaho
Sa pagkakataong ito kailangan na munang bumitiw
Kailangan na munang magparaya giliw
Alam kong ang pagmamahal ko'y dipa sapat
Ngunit maniwala ka ito'y tapat
Kung sakaling ito na ang huli
Kung ito na iyong pinili
Hindi na kita hahayaan pang muli
Pero sana'y huwag kang magsisisi
YOU ARE READING
A POET'S HEART
PoetryWell sit back and relax and enjoy the reading my masterpiece which will come and to be unfold.
