Chapter 31

17.4K 294 7
                                    

Jasmine's POV:

UGH! Tignan mo! Iniwan nalang ako dito basta basta. Sama talaga ng ugali nung unggoy na yun. BWISET! 

Bahala siya matulog sa labas mamaya. Di ko talaga siya patutulugin dito sa kwarto. Nakakainis! 

Ewan ko ba, bat parang sobrang moody ko ngayon. Di naman ako ganito. Konting tampo lang to tapos mawawala din. Kaso ngayon, nanggigigil talaga ako. Gusto ko siyang suntukin at sampalin. Iwanan ba naman daw ako?!

TSK!

Nasa gitna ako ng pagtotorture kay Nathan sa isip ko ng may kumatok. Napa upo naman ako sa kama. 

Baka si Nathan lang yan. Hmph! Bahala siya.

Di ko nalang pinansin yung kumatok at humiga na ulet. 

Tinotorture ko na ulet si Nathan sa isip ko ng may kumatok ulet. Sino ba yun?!

Bigla naman ako kinabahan. Baka mamaya magnanakaw na pala yun. 

Aish! Nathan naman e. Nasan ka na ba?

*knock* *knock*

Medyo napatalon ako dun. Tumayo na ako sa kama at naglakad papuntang pinto. Kumatok ulet siya. Medyo napaatras ako dun. 

I breathe heavily at hinawakan yung door knob. I twist the door knob slowly. Binuksan ko yun ng dahan dah---

"KYAAAAAAAHHHHH!" napasigaw naman ako sa nakita ko. 

Si Nathan.... na... na...... may hawak..... na.... na malaking teddy bear. 

Medyo madalim na sa hallway kaya nagulat ako. 

"Oh? Jass, okay ka lang?" tanong niya sabay squat sa harap ko. 

Napa-upo ako sa gulat. Nang marealize kong siya lang pala yun, pinaghahampas ko siya. 

"A-ah! A-aray naman. J-Jass--ta-tama na. Ma---Jass, ano ba na-nagawa ko? A-aray. Ugh! Aray, tama na." napatigil ako sa pagpalo sa kanya at yumuko nalang. 

Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Naramdaman kong pinunasan niya yung pisngi ko. 

"Sshh... Sorry. Nagulat ata kita. Shhh... tama na. Wag ka na umiyak, hon." at niyakap niya ako. 

Bigla nalang niya ako kinarga na pang 'bride style' at hiniga sa kama. Tinakpan ko yung mukha ko ng unan. 

Ramdam ko naman na pilit niyang tinatanggal yung unan. Di na ako lumaban at hinayaan na siya tanggalin yung unan. 

"Shhh... tama na, Jass. Wag ka na umiyak. Sorry kung nagulat ka. Gusto lang sana kita sopresahin." malumanay niyang sabe. Agad ko naman siyang niyakap. Kaasar naman e. 

Hinagod niya yung likod ko. "ikaw kasi e. *sniff* San ka ba kasi nagpunta. Tinakot *sniff* mo ako dun. Akala ko kung *sniff* sino..... na." sabe ko. He hugged me tighter.

"Sorry. Pinuntahan ko kasi si Himiko. Nagpatulong lang ako kung pano ka paamuhin. Ayaw ko kasing galit ka sakin. Kaya nagpatulong na ako sa kanya. Ang hirap mo na kasing paamuhin e. Di katulad dati, naging moody ka lalo." sabe niya. Binatukan ko naman. 

"nagawa mo pang manlait ha!" inis kong sabe. Mas lalo naman niya hinigpitan yung yakap. Okay lang. Nakakahinga pa naman e. Hahahaha.

"Sorry. Sorry na hon. Bati na tayo ha? Oh ayan. nagusap na kami ni Himiko. Sorry ha." malambing niyang sabe. 

Secretly Married To A Gangster (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon