NOTE

7.3K 212 33
                                    

BC COVER by: Joshua Villato

BC COVER by: Joshua Villato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mag kwentuhan muna tayo..

Taong 2015 noong ilabas ko ang kwentong "The Soldier & I".

Halos naalala ko pa noong unang beses na sinulat ko ito. Alam nyo ba ang isa dapat itong seryosong kwento ng dalawang sundalo na nag iibigan. Kaso noong naka 5 chapters na ay para bang naboboring na ako dahil masyadong mabigat at seryoso ang mga karakter. Noong oras na iyon napaisip ako at nag desisyon akong burahin ang nagawa ko na at palitan ito ng romcom, yung tipong mag enjoy ako sa pag gawa, yung mapapangiti ako at mapapatawa habang unti unting nabubuo ang mga ideya sa aking utak.

Taong 2018 nakatuwaan kong mag pa survey ng ilang story na maaari kong gawan ng book 2. Sa survey na iyon ay halos dikit ang laban ng TSAI at Ako at si Prinsipe Yago. Sa huli ay si Yago nga ang nanalo pero dahil natuwa ako sa resulta ng botohan ay nag bitiw ako ng salita na gagawan ko silang pareho ng book 2. Dahil nangako ako sa inyo ay nag lakas loob akong muling buksan ang kwento nina Adel at Bryan Turalba. Alam ko naman na kahit papaano ay minahal nyo silang dalawa, kasama nila kayong tumawa, umiyak at nasaktan. At ngayon ay nais kong samahan nyo ulit sila sa isang misyong mag dadala sa inyo sa iba't ibang uri ng sitwasyon sa buhay na tiyak kapupulutan ng aral at inspirasyon.

Alam nyo, ang BXB ay hindi palaging kwento ng dalawang bakla o lalaki na nag lalandian at nag sesex. Hindi parating kalibugan at pag nanasa sa kanilang kapwa ang pinaiiral. Pilit kong binibigyan ng ibang mukha ang BXB sa pag gawa ng iba't ibang kwento na mag bubukas sa inyong kaisipan tungkol sa pag mamahal, pag titiwala at pag kapit sa katiting na pag asa na balang araw lahat tayo ay magiging masaya.

Alam ko na balang araw lahat tayo magiging masaya..

Marami Salamat sa inyo..

*****************

The Soldier and I

July 2018

The Soldier & I BOOK 2 (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon