1 Clue

26.6K 566 20
                                    

Neri POV

"Neri, sweetheart...ano pa ba ang kailangan kong gawin para magustuhan mo ako?" Bakas ang pagmamakaawa at frustration sa boses ni Rodrigo na ikinaikot ng mata ko sa kanya. I dont even mind hiding my reaction from him. He knows from the start that I didnt give him any hope to start with. Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng hikab na kanina ko pa pinipigil. Napuyat kasi ako ilang gabi na para mafinalize at maging successful ang event na ito. This is actually the third charity event that I organize and hosted for the Cervantes Foundation. At dito nga ay na-corner nanaman ako ni Rodrigo para muling kulitin sa walang kamatayan na pag-ibig nya daw sa akin.

Mabilis na ginagap ng binata ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Nagulat ako sa ginawa nya pero hinayaan kong maging poker face pa din ang mukha ko sa binata.

"Please Neri... One date? Just give me a chance to date you, I promise you, you wont regret it. Please? this is the last time I'll ask you." Ani ng binata na muling ikinaikot ng mata ko.

Crap! He is getting worse! Like a lovesick puppy waiting for a treat!

Malakas na hinatak ko ang kamay ko at pagkatapos ay sumandal sa upuan at humalukipkip. I gave the guy my coldest stare. Rodrigo has been one of the biggest benefactor of our charity, kaibigan din ni dad ang pamilyang Samaniego kaya lagi ko syang nakikita at nakaksalubong. His presence is tolerable before but now he is starting to piss me off with his endless talk of love, it pissed me off bigtime.

It's been almost eight months na kinukulit ako ni Rodrigo. I think he is a little obssess with me but today is the only day that he pleaded. Usually kasi puro pahaging at payabang lang sya and now he downgraded into begging for a date. I want to set him straight once and for all, I've always been straightforward and him being a family friend wont change the fact that I dont like him.

"Rodrigo, I'm sorry but you and I..." aniko sabay turo sa kanya at sa akin.

"Not gonna happen!" Aniko sabay iling at tumayo para iwan ang binata.

"Neri... mahal na mahal kita! Mababaliw ako kapag hindi ka napunta sa akin! Akin ka Neri! Tandaan mo iyan! Akin ka!" Rinig kong ani ni Rodrigo bago pa tuluyan ko siyang iwan.

Derederetso ako hanggang sa tamaan ng mata ko kung nasaan nakikipagkwentuhan si daddy sa mga associate justices nya na imbitado. Napansin nya marahil ang paglapit ko ng tumunghay sya at sandaling nawala ang pagkaseryoso ng mukha nya at napalitan iyon ng pagliwanag.

"Dad!" Aniko sabay angkla ng kamay sa braso nya at halik sa pisngi nya. Napangiti si Daddy sa akin sabay pingot ng ilong ko na madalas nyang gawin bilang paglalambing.

"As always, this event is a success!" Papuri ni daddy na ikinangisi ko.

"Dahil din sa suporta nyo daddy." Balik puri ko na ikinatawa na nya ng mahina ng maptingin sya mga katabi nya na animoy naalala na may kausap nga pala sya.

"Neri, you know Judge Alfredo, right? Alfredo, Grego... have you met my daughter, Neri?" Anito sa kausap nito kanina at ngayon ay nakatingin din sila sa akin. Napansin ko ang malagkit na tingin ng isa sa mga lalaki doon. Pinagtaka ko ang pagiging mas bata nito kumpara kay daddy at kay Judge Alfredo. I quicky took a peek at him. Gwapo at matangkad ang binata, then my cheeks reddened ng bigla itong kumindat sa akin. Mabilis akong nagbawi ng tingin at napalingon ako kay Judge Alfredo ng magsalita ito.

"Sino bang hindi makakakilala sa napakagaling na singer na si Neri Cervantes? I'm Alfredo Limo." Ani ng isa sa mga matandang kausap ni Dad na alam ko naman kung sino. Madalas ko syang nakikita na nakadikit kay daddy.

Sinner Seth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon