Special Trip

5 1 0
                                        

Neil POV

Malalaki ang mga hakbang na binaybay ko ang maluwag na daan paparutang gymnasium kung saan idinaos ang selebrasyon ng buwan ng wika.
Nakaipit pa sa aking hintuturo ang kinababaliwan kong story ng pocketbook. Hindi pa rin humuhupa ang kilig na nanunuot sa aking sistema ngayon dulot ng mga eksenang nakakakilig.
" Hoy utoy magpaparolyo ka ba ng gulong ng traysikel ko. Hindi ito kalye upang lakarin mo lang ng hindi nagmamatiyag. May pangisingisi ka pang nalalaman dyan." Napaigtad ako ng biglang sumigaw ang isang traysikel drayber. Nahihiya akong lumingon nito at todo hingi ng pasensya.
" Pasensya na po Manong" Kagat labi kong saad ng makita ko ang nanguuyam na tingin ng pasaherong lalaki animo'y hahagalpak ito ng tawa ngunit nagpipigil lamang.
" Huwag mo ng ulitin iyon" pagpaalala ni Manong.
" Magandang gawain ba ang maglakad sa gitna ng kalsada na wala sa sarili habang nakangisi?"
Nakapangalumbabang ani ng lalaki, ang mapupungay na mga mata ay mariing nakatitig sa akin.
" Hindi makatarungang subukan iyon bukod sa nakakaperwisyo sa daan nakapagpabigat pa sa bulsa kapag iyon ay tuluyan natusta" Komento naman ni Manong drayber sa sinabi ng lalaki.
" Plano ko pa namang subukan iyon mukhang nageenjoy kasi siya eh! Dibale nalang mahalaga pa kasi iyong future ko kesa, imaginary damsel in distress. " pamimilosopong ani nito. Pinasadahan pa ng tingin ang hawak kong pocketbook na malayang nakaharap ang litratong naghahalikan. Itanago ko naman agad ng aking mapagtanto. Namumulang tumingin ako sa lalaki na ngayo'y tumawa sa naging reaksiyon ko.
" O siya tumabi kana. Mukhang nakaperwisyo na tayo sa nakasunod" pag untag ni Manong drayber sa aming dalawa ng lalaki na matulis na nagtitigan. Malaking ngisi ang nakaplaster sa mukha nito ng paandarin ni Manong ang traysikel at gumawi patungo sa akin at agad naman akong tumabi na pinadilatan ang lalaki na nakakalokong sumipat pa sa akin mula sa rearview mirror.

Inambahan ko ito ng suntok ng nagsign language pa ito ng kabastusan. Sino nga ba ang hindi mapikon kong gumagawa ito ng kabalastugan animo'y nagboblow job. Tapos itinaas pa sa ere ang malayang kamay, iniisa-isang kinilos ang mga daliri ng limang beses, at ikinuyom pa ng dalawang beses ang kamao.

Nagloading ang aking utak sa ibig ipagkahulugan ng naturang gesture. Mariing kinakalkula ang palipat-lipat ng daliri at pagkuyom ng dalawang kamay.

Sa daliri, ibig sabihin lima.
Sa kamao, ibig sabihin dalawang Zero.

Puta! Napahalatak ako ng makuha ko ang logic ng sign language ng lalaki.
500, na ibig sabihin, bayad serbisyo kapalit ng pagboblow job sa kanya.

Wala na akong nagawa kong hindi nangangalaiti nalang sa sobrang pikon, tinatanaw ang pagbaba ng lalaki sa traysikel katulad ko'y nakatanaw ito sa aking habang humagalpak ng tawa. Pero ako, pikon na pikon at hindi maipinta ang mukha.

Malalaking hakbang na lamang ang aking ginawa at dinedeadma ang nagrereklamong drayber. Sa pangalawang pagkakataong nakatigagal lamang ako sa gitna ng tawiran. Tinunton ko ang people's road, kong saan tanging commuters at estudyante lamang ang makadaan. Medyo pasikot sikot nga ito bago makarating sa gymnasium pero kapos ako ngayon sa pera kaya minabuti nalang ang dumaan rito. Hindi naman ako nagmamadali siguro yong lalaking nangaasar kanina nagmamadali baka makaligtaan pang masilayan ang opening production ng mga kandidata. Paniguradong sexy suit ang pambungad ng mga ito.

Malibog nga ang lalaking iyon.

Kitang kita sa ngisi pa lang parang may masamang balak, ang sagwa.

Yong tingin pa niya sa hawak kong pocketbook mas lalong umarangkada ang kalibugan nito at parang ipinamukha pa niya sa aking ang kanyang sinabi na nagnanasa ako sa imaginary knight in shining armor. Perhaps, totoo naman. Pero kinikilabutan pa rin ako sa damsel in distress niya. May ideal girl ba talaga siya sa lagay na yan. Mukhang manunulot ng babae ah!

Tumunog bigla ang mumurahin kong cellphone ikinaudlot sa aking paghakbang. Umalingaw-ngaw sa aking pandinig ang sigawan ng mga estudyante, chine-cheer ang bawat pangalan ng kalahok. Lumabas muna ako saglit.

Mula sa clear glass may tatlo pang lalaki ang nag-uusap, hindi naman ako tsiamoso pero sadyang nadinig ko lang ang pinaguusapan dahil sa lakas ng kanilang boses.

" Puta!dude ang sexy talaga yang Jowa ni Julous. " papuri pa ng lalaki habang nakamasid mula sa clear glass.

" Huwag mong subukang sulutin yan dude. Malilintikan ka ng walang oras" pananakot pa ng isa!

" Sa tingin mo ba naka-score na ang gagong yon?" Agap naman ng isa.

" Hindi lang si Julous ang unang boyfriend at panigurado. Balita ko halos babae ng school natin nadatungan na! " pumipitik-pitik pang saad ng isang lalaki na may hitsura, nakatanaw ito sa loob.

Sa sobrang pag-eavsdropping ko di ko na namalayan ang pagsigaw ng kaibigan ko sa kabilang linya, sa gulat ko'y napasigaw ako pabalik rito.

" Nagrereklamo ka tapos yang kabilang linya mo ang ingay. Aba't tumawag ka pa, alam mo namang nasa loob ka ng nangisay na mga estudyante." Pagalit ko kunwari. Pero ganun lang talaga ang biruan namin.

Dumadada ito sa kabilang linya na ikinalibot lang ng aking mga mata. Bibig talaga ng babaeng ito walang preno.

" Look whose here a cute dude!" Ani ng isang boses. Kaya nailayo ko ang cp sa tainga at pasimpleng sumilip sa likod. Kabig ang ngiting nakatingin ang tatlong lalaki sa akin na ikinakislot ng aking mukha. Yon isang poging ayos na pero yong dalawa ewan ko.

" Hi there. Aren't you go inside?" Tanong ng poging lalaki na unti-unting lumapit sa akin.

Hindi lang pala may hitsura pero super-duper gwapo yon nga lang ang angas dahil sa suot na puro itim at naka-leather jacket pa. Mukhang may sorority ang mga ito.

" Naks bro, may paenglish ka na ah! Ano yan chicks?" Panunuya ng isa.

" Manahimik ka nga. !" Hinimas-himas naman nito ang ulong binatukan ng lalaking may pulang panyo sa leeg.

Natawa ako sa mga inaakto nila kahit mukhang maangas ang cute nila tingnan.

" Ikaw na siguro ang taong nakita ko na may pinakamagandang ngiti sa buong buhay ko! Wow, I can't describe how amazing and debonair look you have!" Kompliment naman ng gwapong lalaki na ikinapula ng aking mukha!

" Wow na wow. I can't believe you have such this good look. Kahit lalaki ka pero wow your a girls mediocre but more than as I'd not expected" nasapo pa nito sa noo na tila hindi makapaniwala.

Pati ang dalawa nakatunganga lamang sa akin. Lalong lalo na ang lalaking binatukan kanina parang tinaksan ng laway, panay ang lunok.

" Kong hindi mo sana mamasamain papasok na po ako!" Naiilang kong paalam.

" Teka lang! Mind if I know your name?" Pagpigil nito sa akin.

" Sure. It's Neil Estrella. Thanks for your compliment! " magiliw kong sagot.

" Just call me then. CJ Velosco. " confident nitong iniabot ang kamay sa akin.

" Your name is so common but its different when your the one whom own it because you've nailed unlike the other I've met!" Komplimento naman nitong kinakamot-kamot ang kilay animo'y nahihiya.

" Salamat talaga. Nakaiilang naman yang biro mo, hindi naman siguro ganun!" Nahihiya kong tinapik ang dibdib nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Soft LadStories to obsess over. Discover now