TAMAD

186 0 0
                                        

              
                    Ni:
      Popo Caramancion

Ako'y tamad, tamad mag isip ng mga bagay na Hindi makakasakit sayo.

Ako'y tamad, tamad tumingin sa iba dahil ikaw Lang ang nasa aking puso.

Ako'y tamad kumain, matulog at mag isip dahil ikaw Lang laman ng isip kong ito.

Ako'y tamad, tamad gumawa ng kasalanan para Lang makita yang mga ngiti mo.

Tamad akong sabihin sayo ang tunay kong nadarama, Tamad na akong masaktan.

Tamad na akong marinig yung mga salitang "baka masira Ang ating pagkakaibigan".

Tamad na akong umasa sa isang bagay na parang wala naman ibang pinatutunguhan.

Tamad nakong ulit ulitin sa sarili ko na, "teka, hanggang diyan na lang".



Kung gaano ako katamad na Hindi ka masaktan, ganun ka naman siya kasipag na Hindi ka pahalagahan.

Kung gaano ako katamad mahiwalay sayo, ganun naman siya kasipag na paiyakin Ang iyong nararamdaman.

Pasensiya ka na sa katamaran ko kasi ayokong maging masipag ng kagaya niya.

Wag kang mag Alala sisipagan ko ng tanggalin tong aking nadarama, pero  tandaan mo nandito Lang ako tamad na tamad palayain ka

tula ng KATAMARANWhere stories live. Discover now