-VICE' OFFICE-

Tye: O babe, ikaw ang plus one ko ha?

Vice: I don't know about that Tye.

Tye: Why not?

Vice: Ewan ko lang. Alam mo naman ako, di ako masyadong pala-sama sa mga ganyan.

Tye: Pleaaase. For me? (sabay puppy eyes)

After one week. Dumating na ang araw ng office outing. Isa-isa ng nagdatingan ang mga team mates nila at sumakay na sila sa bus na nirent papunta sa resort. Halong excitement at kaba ang nasa dibdib ni Jackie dahil sigurado siya na ang plus one ni Tye ay si Vice. Makikita ko nanaman siya.

Nakita ni Jackie na dumating na si Sir Tye pero..... mag-isa lang siya?

Yam: Sir Tye, asan po plus one niyo?

Tye: Well ayun. Hindi daw sasama. Sabi ko nga sa inyo before ganun talaga yung si Vice.

Nalungkot pero at the same time na-relieve si Jackie sa nalaman. At least ang focus ko lang ay mag-enjoy sa outing na ito at wala ng iba. 

Pagdating ng buong team sa resort ay dumiretso na muna sila sa kanilang mga quarters para ibaba ang kanilang mga gamit. Dali-dali namang inayos nila Jackie at Yam at ibang organizers ang pavilion para iprepare ang first activity nila for the day, ang games. After nito ay isa-isa nilang kinatok ang mga quarters at ginather ang mga ka-teammates.

Jackie: Hi Everyone! We have setup a table in the back para sa mga gustong mag miryenda muna. On our menu we have chicken sandwich, iced tea, and pansit. After kumain, start na tayo.

After miryenda, niyaya ni Jackie si Tye na magspeech muna bago magsimula ang activities nila.

Tye: Well, let's make this quick and simple. Thank you sa mga nakapunta dito today. I just want you to know guys that I am very thankful sa dedication and hardwork na pinapakita niyo. Gusto ko mag-enjoy lang kayo today, okay? Kaya... Jackie, back to you!

Inabot na ni Tye ang mic kay Jackie.

Jackie: Okay so since mukhang tapos naring mag miryenda ang lahat. Start na tayo sa games. May 3 games tayo for today. Papabunutin namin kayo to determine the teams. Pointing system tayo dito. Whatever place your team is ay may equivalent points. Kaya in the end kung sino ang may pinakamaraming points wins the game.

Yam: Syempre kaming organizers dapat kasali din. Pero para fair, hinati namin sa tatlo ang mag-iisip ng bawat game. For example, sa game na hinanda namin ni Jackie, kami lang ang nakakaalam nun. Pero sisimulan natin sa mga new hires. Okay Kath, ano ba ang game na hinanda niyo ni Daniel?

Kath: Ang game po na ito ay The Boat is Sinking. Pero, ang twist, bukod sa mag-group lang kayo, may ilalagay kami na mga manila paper sa sahig at dapat nakatapak kayo sa loob. Bawal po ang lampas. Kaya kahit complete ang group, pag may lampas, out na.

Jackie: Okay simulan na natin? Lapit kayo dito para bumunot ng team number.

Isa-isa silang lumapit. Huling bumunot si Tye.

Jackie: Meron pa bang hindi nakabunot?

Nagmasid masid si Jackie para tingnan ang kanyang mga ka team na nagsisimula ng maghanapan ng mga kagrupo nila, ng may sumigaw ng "Ako!". Hinanap ni Jackie ang nagsalita para sana lapitan ito.

  Nakita niya si Vice na nakatingin sa kanya at nakangiti.  

Jackie: ...Vice?

Tye: Babe!? You came!

Dali-daling nilapitan ni Tye si Vice.

Vice: Ofcourse. Di pala kita kayang tiisin. So sali ako sa game niyo?

So Close Yet So FarWhere stories live. Discover now