Spoken Words Poetry
Written by Jayson Bernas.
"Ayokong Umasa"
Ayokong Umasa dahil alam ko na sasaktan ko lang ang sarili ko,
Dahil sa paniniwalang gusto mo rin ako,
Mga pantasyang hindi naman totoo, at gawa-gawa ng isip kong litong-lito, kung gusto mo ba ako?, simula nang sumakit ang puso ko na parang dinudurog, dahil sa bawat pagsulyap ko sa'yo, nakatingin ka sa ibang tao,
At sa bawat araw na gusto kong kalimutan ka, hindi ko maiwasan,.. hindi ko maiwasang isipin ka at ang mga araw kung gaano mo akong labis na napapasaya,
Dahil ikaw ang laman ng puso't isip ko.
At sa bawat pagpikit ng mga mata kong ito ikaw ang nakikita ko...
Isa kang guni-guni na likha ng malikhain kong isipan.. ayokong umasa.. Subalit nagsimula na..
Nagsimula ng magustuhan kita, pero may naglalarong tanong sa aking isipan, Gusto mo rin ba ako?...
Ang hirap isipin, na ikaw ang taong makakasama ko sa altar, magpapalitan ng mga pangakong panghabang-buhay,
Dahil alam ko na umaasa lang ako sa'yo, at nasasaktan ako, hindi ko alam kung bakit... Siguro dahil hindi ako.
Hindi ako, yung lalaking tipo, ng isang binibining kagaya mo, o dahil nakikita ko kayong magkasama ng shota mo.
Ang sakit, hindi dapat ako umasa, simula na, simula nang kakalimutan kita dahil ikaw yung unang babae na pumatay sa puso ko..
At akala ko hindi na ako, hindi na makakabangon pang muli sa hukay ng pag-ibig, na gawa ng mga kamay mo,
Na dumampi sa aking pisngi, ng itanong kong gusto mo rin ba ako?... ang sakit umasa. Bakit ginawa ko pa?...
Alam kong umaasa lang ako sa'yo, at alam ko na hindi tayong dalawa ang itinadhana dito sa mundo, at alam ko na hindi pa ito,...
Hindi pa ito ang huli, ng pagkikita nating dalawa dahil umaasa ako na may pag-asa pang maging tayo,
Na ikaw ang makakasama ko sa altar na magsasabing "I do" na higit pa sa gusto..
Dahil alam ko sa bawat araw na magkasama kayo ako ang iniisip mo.
Hindi ka pantasya, at alam ko na hindi ka masaya sa kanya, dahil alam ko, na ikaw ay litong-lito, litong-lito kung sino ba talaga ang tunay na mahal mo...
Siya bang nakakasama mo o akong unang minahal mo,? tatapusin kona 'to masyado nang mahaba ang pagpapanggap ko.
Na masaya ako habang nakikita ko kayong magkasama. hindi! Dahil sa bawat sandali na nakikita kong magkasama kayo,
Bumabalik sa aking ala-ala ang bawat araw kung paanong naging masaya tayong dalawa sa piling ng isa't-isa,
Pagod na 'kong umasa, na may pag-asa pang maging tayong dalawa ayoko na.
Ayokong umasa..
YOU ARE READING
Spoken Words (by my Little Brother)
PoetryCompilations of My little brother's spoken words you might enjoy😊. All are original's and not allowed to copy by any means. Thank you😊 Enjoy reading😁😁😁 cover made via samsung cam and edited via #photogrid app and #wattpadcover app
