EMERGERD. Dito na lang ako sa kubo forevs.
“Did you see how they looked at you, Leeanne? I told you.” Proud na sabi ni Blaire habang nagsasalin ng champagne sa baso namin.
“Hmm? Gusto na nga kong kainin ng buo ni Vano e.”
“No, don’t mind him. Maybe he’s just sooooo into you that he wants to strip you already. HAHA”
Tumawa ako ng pilit bago sumagot sa kanya, “Nako, para namang hindi ganun yung dating sa’kin.”
“He’s just jealous you know.”
“At bakit naman sya magseselos?”
“Duh? Kevin got to touch you, remember? You do know that Ivan’s territorial, don’t you?”
So ganon. Nagagalit sya sa’kin kasi nakayapos si Kevin kay Blaire kanina? Ang labo naman!
“Stop overthinking, Leeanne. Cheers!”
Matapos ng konting chikahan namin ni Blaire, pumunta na kami sa pool samantalang tinatapos pa nina Kevin yung iniihaw nila. In fairness, teamwork sila ni Vano ngayon.
Ngayon ko lang napansin na nitong nakaraan, para ngang napapadalas na ang interaction ni Kevin at Vano. Ibig sabihin ba nito gumagana yung plano namin ni Blaire?
............................
Halos Kalahating oras na yata kaming nagbababad ni Blaire sa pool. Gusto ko na sanang umahon muna at tumambay sa kubo para chumibog kaya lang... ANG LAMEEEEEEEEEEEEEEEEG!
Inaayos ko ang pagkakatali ng buhok kong sabog na nang biglang may naramdaman akong kamay sa dalawang ankle ko. Sinubukan kong kumawala pero hindi ko man lang maigalaw ang mga paa ko sa higpit ng pagkakahawak ng kung sinumang shokoy na ito.
Dahil di na ko nakatiis, humiga ako ng malalim at nilubog ko na ang sarili ko sa tubig, pikit-matang kinapa at pwersahang tinatanggal ang mga kamay sa mga paa ko. Halos maubusan na ko ng hininga pero hindi ko pa rin matanggal. Kaya naman kinapa ko ang katawan nya at napagdesisyonang kilitiin na lang ang shokoy.
Nang makapa ko ang dibdib ng shokoy na topless, kinapa ko agad ang kili-kili nya. Napagtanto kong si Kevin ang shokoy kasi nakatopless. NakaTshirt si Vano e. Hay sayang naman kala ko makakachansing na ko ulet. HAHAHAHA
At akalain nyong may kiliti ang shokoy? Agad syang bumitaw sa ankle ko nang maramdaman ang pagkiliti ko. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay napamulat ako at bahagyang nakita ang mukha ng shokoy.
EMERGERD.
Sa gulat ko’y napabuka ang bibig ko at nakainom ng tubig. Sana lang walang wiwi dito diba?
Dahil sa pagkakainom ng tubig ay nabitawan ko ang kili-kili ng shokoy. Naramdaman ko na lang ang kamay nya sa bewang ko at mabilis akong inahon sa tubig.
Dalawang-kamay ang nakahawak sa bibig ko habang ubo ng ubo at nakatitig sa pinakapoging shokoy sa balat ng lupa. Ngayo’y hanggang bewang na lang ang tubig na hanggang sa dibdib ko dapat dahil para akong batang buhat ni Vano. Nakatingala syang nakatingin sa’kin habang ibinibigay ang pamatay nyang lopsided smile. Napatulala na lang ako sa taong kaharap ko.
Ibang-iba sya sa Vanong sumalubong sa’kin kanina.
Now he’s wearing his playful smirk. His eyes are glowing with cheerfulness. Halos matunaw ako sa titig nya. Anong nakain ng mokong na to? Ganto ba sya pag nauusukan sa pag-iihaw?
“You alright?” tanong nya habang nakangiti pa rin ng pamatay.
“O...okay na ko.” Sagot ko nang matapos sa pag-ubo. Nang mapagtantong okay na nga ako ay binaba nya na ako. Ako na naman ang nakatingala sa kanya. Gusto ko tuloy bawiin yung sinabi ko. Di pa pala ko okay!
Naubos ang lahat ng lamig na nararamdaman ko kanina nang bumalot sa bewang ko ang braso nya at nagsimula syang lumakad.
“San... san tayo pupunta?”
“We have to eat first before the tournament resumes.” Sagot nya ng nakangiti pa rin.
EMERGERD hihimatayin na ko sa keleg.
Kung sinumang espirito ang sumapi kay Vano at ganyan sya ngayon: playful, care free... Young and wild and free? Basta ibang-iba yung aura nya ngayon... Please lang wag ka na lumabas sa katawan nya. O siguro araw-araw ko na lang sya papausukan?
“Still enjoying the view?” mayabang na sabi nya habang nakatitig sakin. EMERGERD TELEGE. Di ko namamalayang kanina pa ko nakatingin sa kanya. Pano kasi gustong-gusto kong kurutin yung pisngi nya. Ang cute cute nya pala pag natutulog ang over-over-serious hormones nya sa katawan!
“Yabang mo.”
Nang makaahon ay iniabot sa’kin ni Vano ang white shirt na suot nya kaninang nakasmpay sa hawakan ng hagdan.
“Wear this.”
At dahil mabait naman sya ngayon, sinunod ko na lang sya ng walang angal. Pagkatapos kong isuot ang shirt nya ay naramdaman ko na lang ang pag-akbay nya at nagsimula na ulit kaming lumakad papunta sa cottage.
ENEBE. Pag ganto sya ng ganto baka di ko mapigilang yumapos sa kanya!
Ang lameg pa naman. BWAHAHAHAHAHA LANDEEE!
F na F ko pa ang paglalakad namin when a thought struck me.
“We have to eat first before the tournament resumes.”
WHAT THE HECK DOES HE MEAN BY THAT?
Akala ko ba wala nang tournament?
Nang makarating sa kubo at mahagip ang nakangiting titig ni Blaire sa'min ni Vano ay muli akong nanlamig...
“All I’m saying is that... If you are in the chapter of choosing between the one you love or the one who loves you, choose the one who loves you. That way, you’ll be happier. You are a kind-hearted person, Leeanne. You deserve someone who’s willing to do everything and anything just to be with you. Besides, it’s not impossible to fall in love with the one who loves you, right? Phil is not hard to love anyway.”
Napatigil ako at saglit na nag-isip.
Can I be a little selfish just for now?
I promise, lalayuan ko na si Vano after this trip.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----56th string-----
Start from the beginning
